Paaralang Heswita, hinimok ng Santo Papa na maging katuwang ng simbahan sa paghubog ng mabubuting lider

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,203 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga pamantasan at kolehiyong pinangangasiwaan ng mga Heswita na maging katuwang ng Simbahan sa paghuhubog ng mga lider na magtataguyod ng katotohanan, katarungang panlipunan at kabutihang panlahat sa gitna ng lumalawak na hamon ng makabagong panahon.

Sa kanyang mensahe sa mga pangulo at kinatawan ng Association of Jesuit Colleges and Universities ng North America sa Vatican noong June 25, binigyang-diin ng Santo Papa na hindi sapat na ituro lamang sa mga mag-aaral ang mga suliraning kinakaharap ng lipunan.

“Your institutions are called not only to teach your students about the injustices faced by those on the margins of society, but also to be powerful channels in promoting systemic change through proposing new models rooted in solidarity and the common good,” ayon kay Pope Leo XIV.

Tinukoy rin ng Santo Papa ang patuloy na paglaganap ng sekularismo, lumalalang kahirapan, pagdami ng mga migranteng napipilitang lumikas, pagkasira ng kalikasan, pagkawala ng pag-asa ng maraming kabataan at ang mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence bilang ilan sa pinakamalalaking hamong kinakaharap ng sangkatauhan.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Pope Leo ang mahalagang papel ng mga institusyong pang-edukasyon sa paghubog ng etikal na paggamit ng artificial intelligence.

“It is important to begin now to address the consequences, both positive and negative, that come from these advances,” aniya.

“Colleges and universities have a special role to play in this regard, especially through giving fresh impetus to the principles of the Church’s Social Doctrine in a way that will be relevant and effective in addressing the digital revolution.”

Iginiit din ni Pope Leo XIV na ang tunay na layunin ng akademikong pananaliksik ay hindi lamang ang paglinang ng kaalaman kundi ang paghahanap sa Diyos na siyang pinagmumulan ng katotohanan.

“Those who conduct research, those who pursue studies, and those who seek the truth are ultimately seeking God, whether they realize it or not,” giit ni Pope Leo XIV.

Nagpahayag din ng pag-asa ang Santo Papa sa gitna ng umiiral na sekularisasyon sa lipunan matapos niyang ibahagi ang lumalaking bilang ng mga kabataang nagbabalik-loob sa pananampalataya.

“Many young people and adults are rediscovering the Christian faith, sometimes after having drifted away from God over a period of time,” saad pa ng Santo Papa.

Hinikayat ng punong pastol ang mga pamantasang Heswita na patuloy na maglaan ng pagkakataon para sa espirituwal na paghubog, panalangin, pagninilay at pagtalima sa Spiritual Exercises ni San Ignacio de Loyola upang magkaroon ng personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo ang mga miyembro ng kanilang akademikong pamayanan.

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang pangangailangang mapanatili ang pag-asa ng mga kabataan sa pamamagitan ng diyalogo, paglilingkod at pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 112,590 total reads

 112,590 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 145,920 total reads

 145,920 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 178,064 total reads

 178,064 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 244,126 total reads

 244,126 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 256,159 total reads

 256,159 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top