Pontifical coronation ni Maria Ina ng Kapayapaan, isang biyaya at hindi karangalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,277 total views

Iginiit ni Fr. Michael Balatbat, OFS, Parish Priest ng Maria, Ina ng Kapayapaan Parish sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal, na ang ipinagkaloob na Pontifical Coronation sa patrona ng parokya ay hindi simpleng karangalan kundi isang biyayang may kaakibat na pananagutan para sa buong sambayanan ng mga mananampalataya.
Sa kanyang ibinahaging mensahe sa social media page ng parokya, ipinaliwanag ng pari na ang pagkakaloob ng koronasyon ay tanda ng biyaya ng Diyos at hindi bunga ng anumang tagumpay o karangalan ng tao.

“Ang parangal na ito ay hindi natin nakamit, kundi biyayang kaloob ng Diyos. Ang Pontifical Coronation ni Maria, Ina ng Kapayapaan, ay hindi tropeo; hindi tayo nakikipagkompetensiya, ito ay biyayang ipinagkatiwala sa atin,” pahayag ni Fr. Balatbat.
Ayon sa pari, kinikilala ng Simbahan ang malalim na pananampalataya ng komunidad na, sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap, ay nanatiling tapat sa debosyon kay Maria, Ina ng Kapayapaan.

“Ang koronasyong ito ay tahimik na pagpapahayag ng langit: Nakita ng Diyos ang inyong pagtitiis. Narinig Niya ang inyong mga panalangin,” dagdag pa ng pari.
Binigyang-diin ni Fr. Balatbat na ang pagkakapili sa Kasiglahan Village bilang tahanan ng isang imaheng pararangalan sa Pontifical Coronation ay nagpapakita na ang Diyos ay kumikilos maging sa mga payak na pamayanan.

“Sa pagpili ng Papa sa Kasiglahan Village, ipinapahayag ng Simbahan sa buong mundo: ang Diyos at ang Kanyang Ina ay hindi lamang nananahan sa malalaking basilika o mas nakatatandang parokya, kundi naroroon din sa mga mapagkumbabang komunidad tulad natin,” ani ng pari.
Binigyang-diin pa nito na ang biyayang natanggap ng parokya ay hindi dapat manatili bilang isang pagdiriwang lamang kundi maging inspirasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga deboto.

“Tayo ngayon ay tinatawag hindi lamang na tumanggap ng biyaya, kundi maging saksi nito,” ayon kay Fr. Balatbat.
Hinimok din nito ang mga mananampalataya na isabuhay ang mensahe ng kanilang patrona sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pagkakaisa at pagkakasundo.

Kasabay nito, inanyayahan ni Fr. Balatbat ang mga deboto na maghanda sa pamamagitan ng panalangin, pagbabalik-loob, at aktibong pakikibahagi sa paghahanda para sa Pontifical Coronation ng Maria, Ina ng Kapayapaan, na nakatakdang isasagawa sa February 22, 2027.

Nagpasalamat din ang pari kay Antipolo Bishop Ruperto Santos sa pagtitiwala at rekomendasyon nito sa Santo Papa para sa Pontifical Coronation, gayundin kay Pope Leo XIV sa paghirang kay Maria, Ina ng Kapayapaan, na tatanggap sa pinakamataas na pagkilala sa imahe ng Mahal na Birheng Maria

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 194,373 total views

 194,373 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 224,596 total views

 224,596 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 251,241 total views

 251,241 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 346,214 total views

 346,214 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 354,646 total views

 354,646 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top