Pagtatayo ng Hemodialysis building sa NKTI, pinamamadali ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,076 total reads

Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatayo ng bagong Hemodialysis Building ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI sa Quezon City upang mas maraming pasyenteng may sakit sa bato ang mabigyan ng libreng at dekalidad na dialysis.

Sa pagbisita ng Pangulo sa proyekto, sinabi nitong kailangang mapabilis ang konstruksyon dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipinong may chronic kidney disease at lumalaki ang pangangailangan sa dialysis treatment.

Kapag natapos ang 13-palapag na gusali, ito na ang pinakamalaking dialysis center sa Southeast Asia na may 200 makabagong dialysis machines, Malasakit Center, operating rooms, pharmacy, at iba pang pasilidad para sa mga pasyente at healthcare workers.

“Ito kasi ay malaki ang pangangailangan sa ating populasyon dahil ang kanilang statistic, over 11% ng mga Pilipino ay may chronic kidney disease kaya’t kailangang pagtibayin natin at palawakin natin ang ating serbisyo para sa pag-treat ng CKD at ito ay magiging, pagkatapos nito, ay ito ang magiging pinakamalaking dialysis center sa Southeast Asia,” ayon sa pahayag ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Marcos, binago ng pamahalaan ang sistema ng pagpopondo sa proyekto upang mapabilis ang pagtatayo nito. Sa halip na paunti-unting ilabas ang pondo, buong budget na ang inilaan upang sabay-sabay na maisagawa ang iba’t ibang bahagi ng konstruksyon.

Target ng pamahalaan na magbukas ang bagong dialysis center sa unang bahagi ng 2028.

Kasabay nito, sinabi rin ng Pangulo na pinalawak na ng PhilHealth ang benepisyo para sa mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis at paiigtingin pa ng pamahalaan ang mga programa upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng sakit sa bato sa bansa.

“At bukod sa pasilidad na ito, pinapalawak pa rin natin ang suporta, dagdag benepisyo para sa mga CKD patients. Itinaas na ng Philhealth ang saklaw ng hemodialysis package mula sa 90 hanggang 156 na session. Itinaas na rin ng Philhealth ang benefit package mula sa dating 4,000 pesos, ngayon 6,350 bawat session. Tumaas na rin ang rate ng Z benefit package para sa Peritoneal Dialysis na kasalukuyan na aabot sa 389,640 pesos hanggang 500,140 kada taon para sa mga adults. At mula sa 510,000 hanggang 1.2 million naman para sa mga batang pasyente,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang chronic kidney disease (CKD) ay nananatiling isa sa mga pinakakaunting natutukoy na sakit sa bansa, kung saan tinatayang halos 13 milyong Pilipino ang nanganganib na magkaroon ng gantitong uri ng sakit.

Tinatayang 11.2 porsiyento ng populasyon, o humigit-kumulang 12.94 milyong Pilipino, ang apektado o nasa panganib na magkaroon ng CKD.

Madalas na inuugnay ang sakit sa bato sa iba pang karaniwang malalang karamdaman tulad ng diabetes at altapresyon, na kabilang sa mga sakit na may kaugnayan sa puso, bato, at metabolismo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 111,621 total reads

 111,621 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 144,951 total reads

 144,951 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 177,095 total reads

 177,095 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 243,157 total reads

 243,157 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 255,265 total reads

 255,265 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top