Morong Bataans, idineklarang no-nuclear zone

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,210 total reads

Pinuri ng Greenpeace Philippines ang pagpasa ng Sangguniang Bayan ng Morong, Bataan sa isang ordinansang nagdedeklara sa bayan bilang non-nuclear zone.

Sa ipinasang ordinansa noong Hunyo 22, ipinagbabawal sa Morong ang paglikha ng nuclear energy, muling pagbubukas ng nuclear facilities, at pag-iimbak ng nuclear waste sa loob ng bayan.

Ayon sa Greenpeace Philippines, ipinakikita ng ordinansa ang matibay na paninindigan ng lokal na pamahalaan na pangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan at ng kapaligiran sa gitna ng pagsusulong ng pambansang pamahalaan sa paggamit ng nuclear energy.

“The passage of the ordinance shows Morong’s strong commitment to protecting people and the environment,” ayon sa Greenpeace Philippines.

Matatagpuan sa Morong ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na matagal nang naging sentro ng pagtutol ng iba’t ibang sektor dahil sa mga pangamba sa kaligtasan at epekto nito sa kapaligiran.

Ilang araw bago ang maipasa ang ordinansa, nagtipon sa Bataan ang mga anti-nuclear organization mula sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Asia-Pacific Region para sa No Nukes Asia Forum.

Ginunita rin sa pagtitipon ang ika-41 anibersaryo ng makasaysayang Welgang Bayan noong 1985 na dinaluhan ng mahigit 33,000 mamamayang nagkaisa upang tutulan ang BNPP.

Nanawagan naman ang Greenpeace Philippines sa mga lider ng bansa na higit na pagtuunan ng pansin ang ligtas, malinis, at napapanatiling enerhiya bilang tugon sa krisis sa klima at lumalaking pangangailangan sa enerhiya.

“In this time of a climate crisis, our leaders must prioritize the safety of our communities by advancing clean, safe, and renewable energy sources like wind and solar,” ayon sa grupo.

Patuloy ding isinusulong ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang paggamit ng renewable energy habang tinututulan ang pagsusulong ng nuclear energy at iba pang pinagkukunan ng enerhiyang marumi at mapanganib sa kalikasan at kalusugan ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 110,782 total reads

 110,782 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 144,112 total reads

 144,112 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 176,256 total reads

 176,256 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 242,318 total reads

 242,318 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 254,473 total reads

 254,473 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,105 total reads

 122,105 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top