Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,900 total views

Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891 o Paternity and Parental Leave Act (o PAPA Leave Act) na inihain ni Akbayan Party-list Representative Chel Diokno. 

Ayon kay Diokno, ang PAPA Leave Act ay makatutulong sa pagsusulong ng gender equality, pagpapabuti ng kapakanan ng mga bata at pamilya, at pagpapalakas ng partisipasyon ng mga babae sa labor force. Idinagdag pa niya na hindi lamang responsabilidad ng kababaihan ang childcare, kundi isang pinagsasaluhang tungkulin ng mga magulang na dapat aktibong suportahan ng estado. 

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng 90 tuloy-tuloy na araw ng paid paternity leave para sa mga mister na ang misis ay nanganak, habang 60 araw naman para sa mga mister na ang misis ay nakunan o sumailalim sa emergency termination of pregnancy. Magkakaroon din ng karagdagang 15 araw na paid parental leave na maaaring gamitin ni mister sa loob ng isang taon mula sa panganganak, nang tuluy-tuloy o hati-hati, kaya’t maaaring umabot sa kabuuang 105 araw ang kanyang leave. Ipinagbabawal din ng panukala ang dismissal, demotion, o anumang uri ng diskriminasyon laban sa mga empleyadong tatay na gagamit ng benepisyong ito. 

Hindi lamang mga ikinasal na ama ang saklaw ng panukalang batas. Kasama ring makikinabang ang mga tatay na hindi pa ikinakasal at iba pang alternative caregivers na may mahalagang papel sa pag-aalaga ng mga bagong silang na sanggol at maliliit na bata. 

Malaki ang kaibahan ng panukalang PAPA Leave Act sa kasalukuyang batas. Sa ilalim ng Paternity Leave Act of 1996, pitong araw lamang ng paid leave ang maaaring makuha ng isang married male employee para sa unang apat na panganganak ng kanyang asawa. Maaari itong umabot sa 14 na araw kung ililipat ng ina ang pitong araw mula sa kanyang maternity leave sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law. 

Kung maisasabatas ang PAPA Leave Act, maituturing itong tagumpay para sa buong pamilyang Pilipino. Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ang paternity leave sa mas mabuting paglaki ng bata at mas matatag na pagsasama ng mag-asawa. Higit sa lahat, isinusulong nito ang gender equality. Kapag mas aktibong nakikibahagi ang mga tatay sa pag-aalaga ng anak, nababawasan ang pananaw na ang pag-aalaga ng mga bata ay trabaho lamang ng mga babae. Kung may paid leave ang mga tatay, nagkakaroon ng mas malaking pagkakataon ang mga nanay na makabalik sa trabaho at maipagpatuloy ang kanilang karera. 

Kinikilala na sa ibang mga bansa ang kahalagahan ng paternity leave. Sa Lithuania, halimbawa, may 30 araw na paid paternity leave ang mga tatay bukod pa sa hanggang 36 na buwang shared parental leave. Sa Japan naman, maaaring umabot sa isang taon ang paid parental leave na eksklusibo para sa mga tatay. Ipinakikita ng mga bansang ito na ang presensya ng ama sa pagpapalaki ng anak ay isang mahalagang pamumuhunan sa kapakanan ng pamilya at lipunan.

Ipinapaalala ng Simbahan na ang pamilya ay sagrado: dito tunay na naipapanganak at napangangalagaan ang buhay. Ang mga batas na nagbibigay ng sapat na panahon sa mga magulang upang gampanan ang kanilang tungkulin ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at nagpapatatag sa pamilya. 

Mga Kapanalig, ang pag-aalaga sa isang bata ay hindi lamang responsabilidad ng nanay; ito ay tungkulin na dapat pinaghahatian ng parehong magulang. Ayon sa Mga Awit 127:3, “ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa Panginoon.” Kaya naman, makatarungan na bigyan din ang mga tatay at ang mga tumatayong tatay ng sapat na panahon upang makasama ang kanilang mag-ina at makatulong sa pag-aaruga sa kanilang anak.

Sumainyo ang katotohanan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapayapaan na ba sa wakas?

 4,205 total views

 4,205 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 19,902 total views

 19,902 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 28,301 total views

 28,301 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 92,988 total views

 92,988 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 160,342 total views

 160,342 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan na ba sa wakas?

 4,206 total views

 4,206 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 28,302 total views

 28,302 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 92,989 total views

 92,989 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 160,343 total views

 160,343 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »
Scroll to Top