Suriin ang panawagan ng protesta

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 289,137 total reads

Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA? Dahil walang abiso sa publiko o permit man lang mula sa lokal na pamahalaan, maraming naipit sa traffic at na-late sa kanilang trabaho at pasok sa eskwelahan. Humingi si Senador Alan Peter Cayetano ng paumanhin sa publiko pero depensa niya, sadyang nakaaabala talaga ang mga protesta “para magising tayo sa nangyayari.” Para makarating sa kinauukulan at nakararami ang panawagan ng mga nagra-rally, kailangan daw mang-abala. 

Pero ano nga ba ang panawagan ng protestang pinangunahan ng mga miyembro ng INC? 

Ayon sa tagapagsalita ng INC, nais nilang ipakita ang kanilang suporta sa kapwa miyembro nilang si Senador Rodante Marcoleta. Nauna nang sinabi ni Ombudsman Crispin Remulla na sasampahan ng plunder case ang senador kaugnay ng campaign donations na hindi niya isinama sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN) at sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (o SOCE). Giit ni Senador Marcoleta, pribadong indibidwal naman daw ang nagbigay ng donasyon sa kanya. Ginigipit daw siya ng kasalukuyang administrasyon dahil gusto niyang imbestigahan ang mga maanomalyang flood control projects. 

Naniniwala ang INC na itinataguyod ng senador ang “transparency, accountability, justice, and peace”. Kaisa daw sila ng senador sa mga paninindigang ito. Tinatayang nasa sampung libo ang dumalo sa protesta. Pero hindi pa rin nila napigilan ang pagsasampa ng Ombudsman ng kasong plunder laban kay Senador Marcoleta.

Sa gitna ng sorpresang rally na hindi napaghandaan ng kinauukulan kaya nauwi sa matinding trapik, maraming tanong ang lumilitaw. Kung para sa katotohanan at pagpapanagot ang protesta, bakit ayaw nilang gumulong ang kaso laban kay Senador Marcoleta? Kapag gumulong ang kaso, hindi ba lalabas ang katotohanan tungkol sa ibinibintang sa senador na kapatid nila sa pananampalataya? Hindi ba magkakaroon ng puwang sa pagpapanagot o accountability na panawagan nila? 

Kabalintunaan din ang dala sa protesta ng ilang personalidad na dumalo. Naroon si Senadora Imee Marcos na miyembro ng pamilyang hanggang ngayon ay hindi humihingi ng paumanhin at hindi napananagot sa malawakang pagnanakaw noong nakaupo sa puwesto ang tatay nila ni PBBM. Kung para sa katarungan at kapayapaan ang protesta, bakit kaya naroon ang kinatawan ng  pamilyang nagkait ng katarungan sa mga kritikong ipinapatay ng diktadura at nagdulot ng kaguluhan sa ating bayan? Nagawa pang magsalita ng senadora sa lugar kung saan nagsimula ang mapayapang pagpapatalsik ng taumbayan sa tatay niyang diktador. 

Iginagalang ng Simbahang Katolika ang karapatan ng sinumang tao o grupo na magpahayag ng kanilang saloobin lalo na kung para ito sa katotohanan, pananagutan, katarungan, at kapayapaan. Pero walang pinipiling tao ang katotohanan. Sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, tungkulin ng bawat mananampalataya na palaging hanapin ang katotohanan. Kaakibat nito ang pagpapanagot sa mga lider ng bansa, sapagkat salungat sa tunay na layunin ng pulitika ang katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihang ipinahiram sa kanila ng taumbayan. Hindi natin makakamit ang isang makatarungan at mapayapang lipunan kung walang katotohanan at kung hindi mapapanagot ang mga lumalabag sa batas. 

Mga Kapanalig, mahalaga ang papel ng protesta sa aktibong pakikilahok ng taumbayan sa pamamahala. Tungkulin ng isang responsableng Kristiyano ang makibahagi sa mga mapayapang pagkilos. Pero suriin nating mabuti ang panawagan ng mga dadaluhan nating protesta. Siguruhin nating sa bawat placard at sa bawat salitang namumutawi sa mga sigaw ay humahatol tayo nang may katuwiran, katulad nga ng paalala sa Mga Kawikaan 31:9. Nawa’y maging daan ang bawat protestang ating sasalihan o ang iba pang anyo ng pakikilahok tungo sa pagsusulong ng katotohanan, pagpapanagot, katarungan, at kapayapaan. 

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,218 total reads

 226,218 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,949 total reads

 257,949 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,773 total reads

 359,773 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,335 total reads

 400,335 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,825 total reads

 411,825 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 226,219 total reads

 226,219 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,950 total reads

 257,950 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,774 total reads

 359,774 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,336 total reads

 400,336 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top