Kabataang Katoliko, hinimok na maging aktibong saksi ni Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,809 total reads

Hinimok ni Dr. Dave dela Cruz, OP, pangulo ng Order of Preachers (Dominican) Laity–San Roque Chapter sa Marikina City, ang mga layko at kabataang Katoliko na maging aktibong saksi ni Kristo sa pamamagitan ng social action.

Ito ang mensahe ni Dela Cruz sa kanyang talakayang “Frassati and the Layman’s Place in Social Action,” na bahagi ng Youth Social Action Talks sa Frassati Day 2026 sa Manila Cathedral bilang paggunita sa unang kapistahan ni San Pier Giorgio Frassati bilang santo.

Aniya, ipinakita ng buhay ni San Pier Giorgio Frassati na ang isang ordinaryong layko ay maaaring maging pambihirang lingkod ni Kristo sa pamamagitan ng panalangin, Eukaristiya at paglilingkod sa kapwa.

Binigyang-diin ni Dela Cruz na hindi tinatawag ang mga Katoliko na maging “neutral spectators” sa lipunan kundi mga taong kumikilos upang ipagtanggol ang dignidad ng tao at isabuhay ang Ebanghelyo.

“Catholics are not called to be neutral spectators of society… All of us Catholics are called to be people of prayer, but not only of prayer, people of action, willing to defend the teachings of Jesus and the dignity of the human person,” pahayag ni Dela Cruz.

Sinabi niya na ang tunay na Catholic social action ay nakaugat sa pananampalataya kay Kristo at hindi sa ideolohiya o pansariling ambisyon.

Ipinaliwanag din ni Dela Cruz na nagsisimula ang tunay na pagbabago ng lipunan sa personal na pagbabagong-loob sa pamamagitan ng panalangin, Sakramento ng Kumpisal at marapat na pagtanggap sa Eukaristiya.

“Before social transformation, there must be personal conversion,” saad ni Dela Cruz.

Hinimok din niya ang mga kabataan na dalhin si Kristo sa kanilang pamilya, paaralan, pamayanan at iba pang larangan ng lipunan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod.

Idinagdag pa ni Dela Cruz na hindi dapat matakot ang mga kabataan na isabuhay ang kanilang pananampalataya at dalhin ang pag-ibig, katotohanan at katarungan ni Kristo sa lipunan.

“When you do social action, our place is in the heart of the Church. And from there, our place will be in the heart of the world… May we be like [St. Pier Giorgio Frassati], choose the path of loving God and the Church by serving the least, the last, and the lost,” ayon kay Dela Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,159 total reads

 225,159 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 256,890 total reads

 256,890 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 358,714 total reads

 358,714 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,276 total reads

 399,276 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 410,863 total reads

 410,863 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,026 total reads

 143,026 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top