Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dahas at armas, hindi magdudulot ng katarungan at pagkakasundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 287 total views

Nanawagan si Taytay Bishop Broderick Pabillo na pairalin ang katarungan, dayalogo, at pagkakasundo bilang tunay na landas tungo sa pangmatagalang kapayapaan, sa halip na umasa sa dahas at paggamit ng armas.

Sa pagninilay ng ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon, iginiit ng obispo na hindi nalulutas ng karahasan ang mga ugat ng sigalot maging sa pandaigdigang pamayanan o sa Pilipinas.
“Hindi ang dahas at armas ang magbibigay ng kapayapaan, kundi ang katarungan at pakikipagkasundo. Hindi barilan kundi pag-uusap. Hindi pagbibintang tulad ng red-tagging kundi tiwala sa kapwa tao,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tinukoy ng obispo ang nagpapatuloy na mga armadong tunggalian sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang tensyon sa Gitnang Silangan, bilang patunay na hindi nagdudulot ng pangmatagalang kapayapaan ang paggamit ng puwersang militar.

“Ang mga ito, na nagkakahalaga ng mga bilyong dolyar, ay hindi naman nagdala ng kapayapaan. Kailangan silang mag negotiate at mag-usap upang magkasundo… Mas mabisa ang paraan ng Espiritu kaysa sa paraan ng mundo,” dagdag pa ng obispo.

Inihalintulad din ni Bishop Pabillo ang sitwasyon sa Pilipinas kung saan sinabi nitong mas magiging mabisa ang pagtugon sa kahirapan at kawalan ng kabuhayan kaysa sa patuloy na paggastos sa armadong kampanya laban sa rebelyon.

“Kung ang perang ginamit sa pagbili ng armas at ang perang ginamit sa pagpapadala ng maraming sundalo ay ginamit na tumulong sa mga walang lupa at walang trabaho, sa pagtulong sa mga magsasaka, mga manggagawa, at mga mangingisda, nawala na ang rebelyon noon pa,” giit pa ni Bishop Pabillo.

Paliwanag ng obispo na ang tunay na tagumpay ayon sa Ebanghelyo ay hindi nakasalalay sa pagkatalo ng kaaway kundi sa pagtatagumpay ng katarungan at pagkakasundo.

“Ang tagumpay ng Diyos ay napapakita sa tagumpay ng katarungan. Nagkaroon ng kapayapaan, hindi dahil natalo ang kaaway, kundi dahil nagkaroon ng pakikipagkasundo,” ani Bishop Pabillo.

Hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na mamuhay ayon sa Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at ganap na pagtitiwala sa Panginoon, sa halip na umasa lamang sa kapangyarihan, kayamanan, at sariling kakayahan.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang kapayapaang ipinagkakaloob ni Kristo ay nakakamit sa pagsunod sa Kanyang kalooban, paglilingkod sa kapwa at pagtataguyod ng pagkakasundo sa halip na pagkakahati-hati at patuloy na karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 75,979 total views

 75,979 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 98,043 total views

 98,043 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 113,739 total views

 113,739 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 120,278 total views

 120,278 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 178,904 total views

 178,904 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top