Pagpapatibay ng pag-asa at pagkakapatiran ng Muslim at Kristiyano, misyon ng Prelatura ng Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,181 total views

Pinagtibay ni Marawi Bishop Edwin dela Peña ang patuloy na misyon ng Simbahan sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakasundo, at pakikipagkapwa sa mga Muslim kasabay ng patuloy na pagbangon ng Prelatura ng Marawi mula sa pinsalang idinulot ng Marawi Siege.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa banal na misa sa St. Michael Parish sa Tangub City, Misamis Occidental sa pagtatapos ng unang araw ng retreat ng mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ibinahagi ni Bishop dela Peña, ang patuloy na pagbangon ng lokal na simbahan sa Marawi sa tulong at pakikiisa ng mga obispo at mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.
“That is exactly what we are doing in the Prelature of Marawi. We are rebuilding after the Marawi Siege. We are trying to rebuild our prelature, and many bishops are helping us in this mission,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Sinabi ng obispo na higit pa sa pagpapatayo ng mga gusali ang layunin ng Simbahan, kundi ang higit na pagpapatibay ng pag-asa at pagkakapatiran sa pagitan ng mga Kristiyano at mga Muslim sa lugar.

“All of you are helping us get back on our feet. You are helping us proclaim a strong message of hope and a strong message of faith so that, when the time comes, we may truly bear witness that our mission in the Prelature of Marawi is to build friendship and extend the hand of reconciliation and brotherhood to our Muslim brothers and sisters,” giit pa ng obispo.

Binigyang-diin ni Bishop dela Peña na limang dekada nang isinusulong ng prelatura ang diyalogo at mapayapang ugnayan sa komunidad ng mga Muslim.

Ibinahagi rin ng obispo na nananatiling matatag ang ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ng lungsod, kabilang ang Marawi Siege noong 2017.

“Despite the many setbacks we have experienced through the years, we have remained committed to working together… Together, we have said, ‘We will go back together. Hand in hand, we will return to reclaim our place at the heart of Marawi, the seat of the prelature,” ayon pa sa obispo.

Aniya, iisa lamang ang hangarin ng mga mamamayan sa lugar, ang muling makabalik at maibalik ang sentro ng buhay-panampalataya sa Marawi.

Iginiit ni Bishop dela Peña na nananatiling malinaw ang misyon ng Simbahan na isulong ang kapayapaan at pagkakasundo.

“We must continue reaching out to our Muslim brothers and sisters. There is no other way,” giit ng obispo.

Binalikan din ng obispo ang panawagan ni Saint Paul VI, na naging inspirasyon sa pagkakatatag ng Prelatura ng Marawi, na: “You Christians must be the first to offer reconciliation to your Muslim brothers and sisters.”

Samantala pinasalamatan ng obispo ang mga arkidiyosesis, at iba pang ecclesiastical territories sa bansa na sumuporta sa inisyatibong “Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi” kung saan nagkaroon ng pilgrimage ang patrona ng prelature, ang Mary Help of Christians na sinira ng mga bandido noong 2017.

Katuwang ng prelatura sa inisyatibo ang Aid to the Church in Need Philippines na may layuning makalikom ng suporta sa patuloy na pagpapatayo ng pro-cathedral at sa pangkabuuang pagbangon ng prelatura.

Ipinagdiriwang ngayong taon ng Prelatura ng Marawi ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag nito, habang ipinagpapatuloy ang rehabilitasyon ng mga pasilidad ng Simbahan, kabilang ang pagtatayo ng pro-cathedral na Santo Tomas de Villanueva Parish sa Balo-i, Lanao del Norte na inaasahang maitatalaga sa Nobyembre.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 3,696 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 20,037 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 42,771 total views

 42,771 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 115,469 total views

 115,469 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 146,751 total views

 146,751 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 178,767 total views

 178,767 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 328,862 total views

 328,862 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top