Mananampalataya, hinimok na tularan ang birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,321 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na tularan ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng pananampalataya at daan upang higit na mapalapit sa Panginoong Hesukristo.

Ito ang mensahe ng Obispo sa pagdiriwang ng 20th founding anniversary ng Our Lady of Caysasay – Marikina Chapter na ginanap sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados sa Marikina City.

Ayon kay Bishop Santos, ang Mahal na Birhen ay patuloy na nagsisilbing patnubay, gabay, at tagapamagitan ng bawat mananampalataya na siyang daan upang higit na makilala,, mahalin at paglingkuran si Hesukristo.

“Ang ating Mahal na Ina ay palaging ating patnubay at gabay, ating huwaran, At sa Kanyang pagkakalinga, pamimintuho, at pamamagitan sa Kanyang anak, tayo ay tiyak na kung saan dadalhin Niya tayo sa tamang landas patungo at pabalik sa Diyos. At sigurado at tiyak na kung saan ang ating panalangin, ang ating dalangin ay makararating sa Diyos, At tiyak at sigurado na ito ay sasagutin. Hindi tayo bibiguin. Ang lahat ng ating ginagawa sa ating Mahal na Ina ay nararapat na magdulot sa atin na higit natin makilala si Jesus, na higit natin siyangs mahalin, at higit natin Siyang paglingkuran”. ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Ipinaalala rin ni Bishop Santos na ang buhay ng mahal na Birhen ay larawan ng ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos kaya nanatili si Maria sa piling ng Panginoon at ng Kanyang Anak hanggang sa wakas.

Binigyang-diin naman ni Our Lady of Caysasay – Marikina Chapter Head Brother Vicente Ragüero na si Hesukristo ang dapat manatiling sentro ng bawat debosyon sa Mahal na Birheng Maria.
Inihayag ni Ragüero na ang patuloy na paglago ng kanilang apostolado ay bunga ng kapangyarihan ng Diyos at ng tapat na pagtitiwala sa Kanya.

Hinikayat naman ni Raguero ang mga mananampalataya na manalangin nang taos-puso, magsisi sa kanilang mga kasalanan, at manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Tiniyak ni Raquero na ang mahal na birheng Maria ay laging umaakay sa mga tao patungo kay Hesukristo, alinsunod sa kanyang mensaheng, “I’m always behind my Son. Not me, it’s always my Son.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,175 total reads

 225,175 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 256,906 total reads

 256,906 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 358,730 total reads

 358,730 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,292 total reads

 399,292 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 410,879 total reads

 410,879 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,621 total reads

 22,621 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top