Lokal na pamahalaan, solusyon sa problema sa pabahay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,682 total reads

Pakikipag-tulungan ng mga lokal na pamahalaan ang pangunahing nakikitang solusyon ng John J. Carroll Institute on Church and Social Issues (ICSI) sa suliranin malaking problema sa pabahay ng pamahalaan.

Ayon kay Ana Marie Karaos ng John J. Carroll Institute on Church and Social Issues (ICSI), tungkulin ng lokal na pamahalaan ng bawat lungsod na maisaayos ang mga problema ng kanilang munisipalidad patungkol sa pabahay ng mga residente partikular ng urban poor families.

“Ang nakikita naming mas systematic na solusyon diyan ay kailangan talagang kumilos ang mga local government units
na tungkol dito sa surilaning ito, kasi ang NHA bilang isang national agency limitado lang din ang kaya niyang maimpluwensiyahan na mga profession, so ang mungkahi namin, ang mga local government ay simulan nilang tingnan talaga ano ba ang pangangailangan ng pabahay sa kani-kanilang sariling mga locality, sa local government nila…”
pahayag ni Karaos sa Radio Veritas

Ipinaliwanag ni Karaos na sinasalamin ng naganap na pag-akin ng mga miyembro ng grupong KADAMAY ang malala at seryosong problema ng pabahay sa bansa.

Paliwanag nito, hindi lamang isang simpleng masisilungan ang kinakailangan ng mga maralita kundi isang desenteng matitirhan na mayroon naaangkop na pagkukunan ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig, kuryente at malapit sa kanilang mga hanapbuhay.

Batay sa Global Homeless Statistics, 44-porsiyento ng mga Pilipino ang nananatiling walang maayos na tirahan kung saan matatagpuan sa Metro Manila ang pinakamarami sa mga ito.

Kaugnay nito, nakasaad sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika ang pagtulong sa mga nangangailangan kung saan ang mga nagugutom ay nararapat na pakainin, ang mga walang tirahan ay dapat na patuluyin, ang mga walang maisuot ay dapat bigyan ng mga damit at sa mga nangangailangang ay hindi dapat magkakait.

http://www.veritas846.ph/mga-nasunugan-sa-parola-compound-bibigyan-ng-pabahay-ng-caritas-manila/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 27,268 total reads

 27,268 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 58,540 total reads

 58,540 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 136,763 total reads

 136,763 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 230,989 total reads

 230,989 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 290,539 total reads

 290,539 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 21,783 total reads

 21,783 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top