Maging tunay na saksi ni Hesus, paanyaya ng Apostolic Nuncio sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,883 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga mananampalataya na maging tunay na saksi ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagpapahayag sa mundo ng “hidden treasure” ng Simbahan na si Hesus.

Ito ang binigyang-diin ng nuncio sa kanyang homiliya sa banal na misa, sa pagtatapos ng ikalawang araw ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII), na ginanap sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas.

Iginiit ni Archbishop Brown na ang pangunahing layunin ng bagong ebanghelisasyon ay tulungan ang mamamayan na makilala ang tunay na pagkakakilanlan ng Simbahan bilang Katawan ni Kristo at hindi lamang bilang isang institusyon.

“The mission of evangelization is to reveal that hidden treasure. We want people to see that the Church is not merely a human organization doing good works, but truly the Body of Christ, where Jesus is present and where the fullness of truth about human life and our eternal destiny is found,” ayon kay Archbishop Brown.

Ayon pa sa kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas, maraming tao ang nakikita lamang ang Simbahan bilang isang organisasyong nagpapatakbo ng mga paaralan, ospital at iba’t ibang gawaing pangkawanggawa, ngunit hindi nakikilala ang pinakadakilang kayamanang nasa puso nito.

“The treasure is Jesus Christ—His presence, His love, His teaching, and the life of grace He offers,” dagdag pa ng nuncio.

Paliwanag ni Archbishop Brown na ang kayamanang ito ay dapat maipakilala sa pamamagitan ng mga katesismo at sa pagiging saksi ni Kristo.

“This is the treasure. It is hidden, but it must be made known through our teaching, our catechesis, and above all, through the witness of our lives,” giit ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din ng nuncio ang walang-hanggang dignidad ng bawat tao sa harap ng Diyos at ang lahat ay pinahahalagahan anuman ang katayuan at antas sa buhay.

Aniya, ang pagkilala sa sariling halaga bilang tinubos ni Kristo ay dapat magbunga ng malasakit sa mga higit na nangangailangan ng pag-ibig at pag-aaruga.

“Our work of evangelization calls us to look upon the most marginalized, the most abandoned, and the forgotten people of society as pearls of great price—redeemed by the Blood of Christ and loved by Him with an infinite love,” saad pa ni Archbishop Brown.

Tinukoy ng arsobispo ang mga taong naninirahan sa lansangan, mga nalululong sa bisyo, at mga inabandona o kinalimutan ng lipunan bilang mga taong minamahal ng Diyos nang walang hanggan at nararapat na paglingkuran ng Simbahan.

Sa huli ay hinikayat ni Archbishop Brown ang halos 4,000 delegado ng PCNE XII na patuloy na isabuhay ang kanilang pananampalataya at maging buhay na saksi ng pag-ibig ni Kristo upang mas marami pang tao ang makatagpo sa tunay na “kayamanan” na matatagpuan sa Simbahan at sa Ebanghelyo.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,858 total reads

 8,858 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,524 total reads

 63,524 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,889 total reads

 148,889 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,626 total reads

 195,626 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,498 total reads

 243,498 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,329 total reads

 344,329 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top