Gawing pundasyon ng buhay at misyon ang pakikipagkaibigan kay Kristo, Bishop Sescon sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,610 total reads

Hinimok ni Balanga Bishop Rufino Sescon Jr. ang mga kabataan na gawing pundasyon ng kanilang buhay at misyon ang tunay na pakikipagkaibigan kay Hesukristo.

Iginiit ng obispo na ang ebanghelisasyon ay nagsisimula sa mga personal na ugnayan at hindi sa mga programa.

Sa kanyang homiliya sa banal na misa para sa PCNE XII All Youth sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas, sinabi ng obispo na ang temang “Sangkay” ng ika-12 PCNE ay higit pa sa simpleng pagkakaibigan sapagkat ito ay paanyaya upang maging tunay na mga disipulo at misyonero ni Kristo.

Binigyang-diin ni Bishop Sescon na ang Simbahan ay tinatawag na maging pamayanan ng mga taong naglalakbay nang magkakasama tungo sa kaharian ng Diyos.

“Evangelization begins not with programs, but with persons; not with structures, but with relationships; not with slogans or campaigns, but with friendships,” ayon kay Bishop Sescon.
“The Church is not merely an organization, but a community—a friendship of missionary disciples.”

Ipinaliwanag ni Bishop Sescon na lumalago ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.

“Christianity begins not with a doctrine, but with a friendship,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Sescon na ang pakikipagkaibigan ay pangunahing hakbang sa ebanghelisasyon sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at sa pagsasabuhay nito sa lipunan.

“Friendship is not a strategy. It is the first language of the Gospel. We cannot introduce a friend to others whom we ourselves barely know,” giit ni Bishop Sescon.

Binigyang-pansin din ni Bishop Sescon ang nararanasang pag-iisa ng maraming tao sa makabagong panahon sa kabila ng paglaganap ng social media.

Hinimok niya ang bawat mananampalataya na maging “sangga” ng kapwa sa pamamagitan ng pagdamay, pakikinig at pag-akay sa mga nahihirapan sa buhay.

Sinabi ng obispo na nararapat na maging kanlungan ng mga sugatan at ng mga naghahanap ng pag-asa ang Simbahan.

Nagbabala rin si Bishop Sescon laban sa maling pag-unawa sa pagkakaibigan na nakabatay lamang sa pagkampi at pagtatakip sa mga nagkakasala.

Ayon sa kanya, ang tunay na kaibigan ay umaakay sa kabanalan at katotohanan.

“A true friend is one who lovingly challenges us to holiness, to truth, to goodness. The true friend, the real friend, the best friend, is the one who introduces us to Jesus” giit ni Bishop Sescon.

Sinabi pa ng obispo na ang pinakamahalagang handog ng isang kaibigan ay hindi materyal na tulong kundi ang pagpapakilala kay Hesukristo.

Binigyang-diin din niya na ang tunay na pagkakaibigan ay nag-aakay sa kapwa na makatagpo si Kristo.

“Evangelization does not end when someone becomes our friend. Neither does it end when someone attends church. It reaches its fullness when friendships become communities of missionary disciples, leading others toward the holiness, healing, and hope of Jesus,” aniya.

Hinimok ni Bishop Sescon ang mga kabataan na maging tunay na mga kaibigan ni Hesus at ipagpatuloy ang misyon ng Simbahan sa kanilang mga paaralan, parokya at pamayanan.

“Befriend Jesus. From being a friend, become His disciple. From being a disciple, become His missionary,” giit ng obispo.

Dumalo sa PCNE XII All for Youth ang libu-libong kabataan mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang higit na mapalalim ang kanilang pananampalataya at tumugon sa panawagan ng Simbahan na maging mga misyonerong alagad ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagkakaibigan, pakikipagkapwa, at sama-samang paglalakbay sa pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,316 total reads

 5,316 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 43,134 total reads

 43,134 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,970 total reads

 96,970 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 160,376 total reads

 160,376 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 228,155 total reads

 228,155 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top