Kalikasan, kailangang ng malasakit, sakripisyo at paninindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,837 total reads

Hindi lamang simpleng pangangalaga sa kapaligiran ang pagtatanggol sa kalikasan, kundi isang anyo ng pagkakaibigan na nangangailangan ng malasakit, sakripisyo, at paninindigan para sa buong sangnilikha.

Ito ang ibinahagi ng magkapatid na Ann at Billie Dumaliang, co-founders ng Masungi Georeserve Foundation, sa ikalawang bahagi ng Heart-to-Heart Talk sa unang araw ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), na pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-prefect ng Dicastery for Evangelization.

Ibinahagi ng magkapatid ang kanilang personal na ugnayan sa Masungi Georeserve sa Rizal—isang conservation area na bahagi ng Upper Marikina Watershed sa Sierra Madre na kilala sa natatanging limestone formations, kagubatan, at mayamang biodiversity.

Ayon kay Billie Dumaliang, Advocacy Director ng institusyon, bata pa lamang sila ay itinuro na sa kanila ng kanilang mga magulang ang kahalagahan ng kalikasan at ang responsibilidad ng tao na pangalagaan ang sangnilikha.

“Kahit nung bata pa po kami, dinadala nila kami doon on the weekends. At ‘yung mga activities na ginagawa namin, halimbawa po may gifts sa Christmas, ang nare-receive po namin hindi Barbie dolls kundi gardening tools,” ayon kay Billie.

Sinabi ni Billie na ang karanasang ito ang humubog sa kanilang pananaw na ang kalikasan ay hindi lamang isang lugar na pinupuntahan, kundi isang buhay na ugnayan na nangangailangan ng pagmamahal at pangangalaga.

Para naman kay Ann Dumaliang, Managing Trustee ng Masungi Georeserve Foundation, ang kanilang pagtatanggol sa kalikasan ay nagmula sa malalim na ugnayan na maituturing na isang relasyon sa pamilya.

“Kung tatanungin niyo ako, ano siya sa buhay ko? Little brother ko ‘yan. At kung may ganoong level ng relasyon sa isang lugar o isang tao, ‘yung panawagan sa iyo hindi lang kilalanin siya, pero ipaglaban siya kahit na mahirap,” saad ni Ann.

Binigyang-diin ni Ann na ipinakita ng karanasan sa Masungi kung paano magkaugnay ang pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng tao, lalo na matapos nilang masaksihan ang pagbabago ng lugar mula sa dating sirang lupain tungo sa isang umuusbong na kagubatan.

Dagdag niya, higit nilang naunawaan sa proseso ng restoration na ang bawat anyo ng buhay ay may gampanin sa kabuuan ng sangnilikha at ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi hiwalay sa pangangalaga sa sangkatauhan.

“Makikita mo talaga na ‘yung pangangalaga ng kalikasan, pangangalaga ng tao. Hindi siya magkahiwalay dahil nasa loob tayo ng kalikasan,” dagdag ni Ann.

Samantala, binigyang-diin naman ni Cardinal Tagle na ang pagkakaibigan sa kalikasan ay nagsisimula sa pagkilala rito bilang isang handog mula sa Diyos at hindi lamang isang bagay na maaaring gamitin o pagsamantalahan.

Ayon pa sa kardinal, ang pagtingin sa kalikasan bilang nilikha at handog ng Diyos ay humahamon sa bawat isa na maging mabuting katiwala ng sangnilikha at palalimin ang pakikipagkaibigan sa Diyos, sa kapwa, at sa buong daigdig.

“If we don’t look at creation as the gift of someone greater than we are, then we can easily exploit. Kaya ‘yung stewardship, caring for creation for each other, s a response to the creator, that’s an act of friendship,” pahayag ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 5,104 total reads

 5,104 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 42,948 total reads

 42,948 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 96,786 total reads

 96,786 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 160,201 total reads

 160,201 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 227,980 total reads

 227,980 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,857 total reads

 47,857 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top