Pagtingin sa mga dukha bilang kaibigan, susi sa pagbabagong-buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,803 total reads

Hindi lamang pagbibigay ng materyal na tulong kundi ang pagkilala sa mga dukha bilang tunay na kaibigan ang nagiging daan upang mabago ang buhay ng kapwa at mapalalim ang pananampalataya.

Ito ang ibinahagi ni Bro. Artemio “Jun” Manuben, OFS, kasapi ng Secular Franciscan Order at full-time catechist ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM), sa ikatlong bahagi ng Heart-to-Heart Talk ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Si Bro. Manuben ay kabilang sa Franciscan Catechists na nagsasagawa ng katesismo at paglilingkod sa mga maralitang komunidad, kabilang ang mga batang nangangailangan ng gabay at pag-aaruga sa mga lugar sa Maynila.

Ayon sa lay Franciscan, ang kanyang pagmamahal kay San Francisco de Asis ang nagtulak sa kanya upang higit na yakapin ang misyon ng paglilingkod sa mga mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

“Hindi ko na lang sila tinuring na mga pulubi. Parang tinuring ko na rin silang mga kaibigan,” pagbabahagi ni Bro. Manuben.

Ikinuwento ni Bro. Manuben na nagsimula ang kanyang mas malalim na pakikipag-ugnayan sa mga mahihirap nang makadaupang-palad niya ang isang pamilyang namumuhay sa Delpan, Sta. Ana na dumaranas ng matinding kahirapan at suliranin sa bisyo.

Sa halip na minsanang pagtulong, pinili niyang patuloy silang samahan hanggang sa magkaroon ang pamilya ng mas maayos na tirahan at pagkakataong makapagsimula muli.

“Ang tinuro nila sa akin, kung paano ko sila mahalin. Hindi lang mahalin, bigyan din sila ng pag-asa,” ani Bro. Manuben.

Ibinahagi rin ng lay Franciscan na unti-unting bumuti ang kalagayan ng pamilya matapos silang matulungan na magkaroon ng mas maayos na kapaligiran para sa kanilang pamumuhay, habang malaking bahagi naman ng kanyang kinikita bilang katekista ang inilaan niya sa kanilang pagkain, upa at iba pang pangangailangan.

“Halos 80 percent ng natatanggap kong sahod ang napupunta sa [pagtulong] sa mga mahihirap. Kaya sabi ko, ito pala ‘yung pagiging kaibigan—’yung pagbibigay ng pag-asa, pagbibigay ng pagmamahal sa kanila,” dagdag pa niya.

Binigyang-pugay naman ni Cardinal Tagle ang patotoo ni Bro. Manuben at sinabing ang pagbabago ng pagtingin sa mga dukha ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pamumuhay ni San Francisco de Asis.

Ipinaliwanag ng kardinal na ang tunay na pakikipagkaibigan ay nagbubukas ng isang bagong pananaw sa pagbabahagi, kung saan ang pagbibigay ay hindi lamang nagmumula sa labis na mayroon ang isang tao, kundi sa pusong handang makibahagi sa buhay ng kapwa.

“Kapag kaibigan, pamilya, it’s not just the surplus that you give… Hindi ka nawawalan kasi pamilya ang pinagbigyan mo. It’s a different type of vision,” ayon kay Cardinal Tagle.

Sa pagtatapos ng talakayan, binigyang-diin ni Cardinal Tagle na ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay may kakayahang baguhin hindi lamang ang buhay ng mga nasa laylayan kundi maging ang Simbahan at lipunan, sapagkat sa bawat taong tinatanggap bilang kaibigan ay higit na nahahayag ang presensya ni Kristo sa gitna ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 25,371 total reads

 25,371 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 48,248 total reads

 48,248 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 84,748 total reads

 84,748 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 305,373 total reads

 305,373 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,550 total reads

 338,550 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 98,304 total reads

 98,304 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top