PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 170,934 total reads

Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

Ito’y dahil sa agresibong pagsusulong ng mga polisiyang magpapalawak sa pagmimina nang walang malinaw na pambansang plano sa industriyalisasyon at sapat na pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa ATM, nakababahala ang nakatakdang pag-apruba ng Critical Minerals Framework, na anila’y magbubukas ng mas maraming pagmimina ng nickel, copper, at cobalt nang hindi man lamang isinailalim sa konsultasyon ang mga maaapektuhang komunidad at mga makakalikasang grupo.

“On this fifth State of the Nation Address (SONA), Alyansa Tigil Mina (ATM) registers its dismay over the wrongful and aggressive promotion of destructive mining by the administration of President Bongbong Marcos, Jr.,” pahayag ng ATM.

Nagpahayag din ng pangamba ang grupo sa kasunduang isinulong ng pamahalaan sa ilalim ng Pax Silica, kung saan isasama ang yamang mineral ng Pilipinas sa global high-tech supply chain ng Estados Unidos sa kabila ng mga naitalang paglabag sa batas at pinsalang pangkalikasan na inuugnay sa ilang kumpanya ng pagmimina.

Ayon sa ATM, wala ring malinaw na Philippine Industrialization Plan na magtatakda kung anu-anong mineral ang tunay na kailangan ng bansa at kung paano ito dapat gamitin para sa pambansang kaunlaran.

Nangangamba ang grupo na humantong lamang ito sa patuloy na pagkamkam sa likas na yaman at pagkasira ng mga kagubatan at mahahalagang ecosystem.

“Government officials have been quick to defend Pax Silica against the alleged environmental issues raised but have provided no definitive, specific details. Like many other regulatory functions of government, Pax Silica supporters have very few specific mitigation measures to show,” saad ng ATM.

Bukod dito, binigyang-diin ng ATM ang lumalalang pagputol ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng bansa, gayundin ang paglawak ng black sand mining at seabed quarrying na nagdudulot ng pinsala sa mga ilog, baybayin, at yamang-dagat dahil sa kakulangan ng mahigpit na regulasyon.

Iginiit din ng grupo na dapat ding tutukan ng pamahalaan ang katiwalian sa industriya ng pagmimina, matapos ilabas ng ATM ang isang pag-aaral na nag-uugnay sa ilang political dynasty at mining corporations, na nagpapahina sa pagpapatupad ng mga batas at sa pangangalaga sa karapatan ng mga komunidad na apektado ng pagmimina.

“This connivance between political families and industrial elites fuels regulatory capture and the failure of government to effectively regulate the mining industry,” saad ng ATM.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 671 total reads

 671 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 21,268 total reads

 21,268 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 82,874 total reads

 82,874 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 168,241 total reads

 168,241 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 214,977 total reads

 214,977 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 262,850 total reads

 262,850 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 362,690 total reads

 362,690 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top