Huwebes, Agosto 13, 2026

SHARE THE TRUTH

 107 total reads

Huwebes ng Ika-19 na Linggo sa Karaniwang Panahon

o kaya Paggunita kina San Ponciano, papa, at San Hipolito, pari, mga martir

Ezekiel 12, 1-12
Salmo 77, 56-57. 58-59. 61-62

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Mateo 18, 21 – 19, 1

Thursday of the Nineteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of Sts. Pontian, Pope, and Hippolytus, Priests, Martyrs (Red)

UNANG PAGBASA
Ezekiel 12, 1-12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, nasa gitna ka ng isang mapaghimagsik na bayan. May mga mata sila ngunit hindi nakakikita at mga taingang hindi nakaririnig pagkat sila’y mapaghimagsik. Kaya nga, magbalot ka ng kailangan mo sa paglalakbay bilang isang itinapon. Bago dumating ang gabi, maglalakad ka sa lansangan nang nakikita nila at baka sakaling makaunawa sila sa kabila ng pagiging mapaghimagsik nila. Samantalang maliwanag pa, maghanda ka ng iyong dala-dalahan nang nakikita nila at kinagabihan ay maglalakad kang parang manlalakbay. Pagkatapos, bumutas ka sa pader at doon ka magdaan. Pasanin mo ang iyong dala-dalahan at lumakad kang nakikita nila. Magtakip ka ng mukha para hindi mo makita ang lupain pag-alis mo pagkat ikaw ang gagawin kong pinakababala sa mga Israelita.”

At ginawa ko ang lahat ayon sa utos sa akin. Nang araw na iyon, naghanda ako ng aking madadala bilang isang takas. Kinagabihan, bumutas ako sa pader at nagpatuloy sa paglalakbay na nakikita nila habang pasan ko ang akin mga dala-dalahan.

Kinaumagahan, sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, hindi ba’t itinanong sa iyo ng mapaghimagsik na mga Israelitang yaon kung ano ang iyong ginagawa? Sabihin mo sa kanila na ipinasasabi ko: ‘Ang pahayag na ito ay para sa pinuno ng Jerusalem at sa buong Israel. Sabihin mong ang ginawa mo ang pinakababala sa gagawin sa kanila: Itatapon sila, at ipabibihag.’ Pagdilim, papasanin ng pinuno ng Jerusalem ang kanyang dala-dalahan at tatakas sa pamamagitan ng butas sa pader. Magtatakip siya ng kanyang mukha para hindi niya makita ang lupaing iiwan niya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 77, 56-57. 58-59. 61-62

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Ngunit sila’y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos,
hindi nila iginalang ang kanyang mga utos;
katulad ng nuno nila sila’y kusang tumalikod,
nagtaksil na wari’y panang lumipad nang walang taros.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit,
nang makita ang dambana ng larawang iniukit.
Sumama ang loob niya noong ito ay mamasid,
itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

Sagisag ng kanyang lakas, ang kaban ng kanyang tipan,
binayaan na mahulog at makuha ng kaaway.
Nagalit sa kanyang baya’t ibinigay sa kaaway,
kaya naman ang marami sa kanila ay namatay.

Hindi nila malilimot
ang dakilang gawa ng D’yos.

ALELUYA
Salmo 118, 135

Aleluya! Aleluya!
Poon, iyong pasikatin
kagandahan ng loobin
ng kabutihan mo sa ‘min.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 21 – 19, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, “Panginoon, makailan pong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampungmilyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw — napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.”

Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga bagay na ito, siya’y umalis sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo sa Diyos upang makapagdulot ng pakikipagkasundo sa daigdig ang kanyang bayan na nakadama ng kanyang pagpapatawad.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging hari, padaluyin Mo ang iyong pagpapatawad sa amin.

Ang Bayan ng Diyos na pinalaya ng Dugo ni Kristo nawa’y hindi magkahiwa-hiwalay at mamuhay sila sa pagkakaunawaan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may dinaramdam o sama ng loob bunga ng mga kalupitan at pagkakamaling ginawa sa kanila nawa’y huwag magkimkim ng hinanakit sa kanilang puso bagkus maging bukas sa kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapang magpatawad nawa’y mapagtanto at maunawaan ang mayamang habag ng Diyos sa bawat isa at matutong makapagpatawad mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nakadarama ng malalim na sugat ng pisikal at espiritwal na pagkakamali nawa’y makatagpo ng kagalingan sa pagpapatawad ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na namayapa nawa’y patawarin sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, masdan mo nang may habag ang aming mga pagkakamali, iadya mo kami sa katigasan ng puso at tulungan mo kaming maging handang makapagpatawad sa mga tinamo naming mga pasakit, upang mabuklod na muli ang nagkakahiwa-hiwalay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Praying to be a cheerful giver

 3,026 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Nineteenth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Lawrence, Deacon & Martyr, 10 August 2026
2 Corinthians 9:6-10     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     John 12:24-26
Photo by author, Anvaya Cove, Morong, Bataan, 21 July 2026.
Lord Jesus,
teach me to be a cheerful giver:
teach me to be like St. Lawrence
your deacon and martyr we honor
today who gave himself totally
and cheerfully to you because
he felt strongly the overflowing
abundance of your grace
and blessings to him;
many times we are reluctant 
to give our time, treasures,
and talents because we feel
always lacking;
open our very selves 
to find you and your blessings
within so that 
we freely give and share
whatever we have
to continue serving in your name;
most of all,
teach me to give more of myself
like a grain of wheat that dies
and produces much fruit in you.
Amen.

St. Lawrence, Martyr and Deacon,
pray for us!
“Martyrdom of St. Lawrence, Deacon” by Hipolito de Rioja (16th c.) from commons.wikimedia.org

LANGUAGE

 2,904 total reads

Gospel Reading for August 10, 2026 – John 12: 24-26

LANGUAGE

Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, unless a grain of wheat falls to the ground and dies, it remains just a grain of wheat; but if it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will preserve it for eternal life. Whoever serves me must follow me, and where I am, there also will my servant be. The Father will honor whoever serves me.”

————

The four-letter word that best describes dying to oneself is LOVE. If we look at all the teachings of Jesus and the kind of life he lived, everything ultimately points to one thing: LOVE. It is the LANGUAGE of God, and if we are truly his servants, then it must become our LANGUAGE as well.

As St. Paul beautifully describes in his First Letter to the Corinthians (1 Cor. 13:1–13), LOVE never fails. This is not merely romantic love, but agape LOVE—love that expects nothing in return, love that places the needs of others above one’s own, and philia—brotherly and friendly love that binds people together in genuine care and compassion.

True LOVE bears much fruit: joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control. It cannot produce bad fruit, because it comes from God himself.

Lord Jesus, help us to allow this LOVE to shape our thoughts, words, and actions, so we may someday attain eternal life with you. Amen.

Kanino natututo ang mga bata?

 31,383 total reads

Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City kamakailan.

Sa kumalat na video, maririnig ang pagmumura ng mga estudyante habang pinapanood ang pagsakay ni PBBM sa helicopter. Sa imbestigasyon na ginawa ng DepEd Schools Division of Davao, apat na mag-aaral ang sangkot sa insidente. Naglabas ang opisina ng pahayag para ihingi ng paumanhin ang anila’y “inappropriate behavior” ng mga estudyante. Tiniyak nila sa publiko na hindi nila kinukunsinti ang pagmumura, na hindi sumasalamin sa respeto, disiplina, at responsabilidad na itinataguyod ng mga paaralan. Nakikipag-ugnayan daw ang opisina ng DepEd sa lungsod ng Davao sa mga magulang ng mga estudyante at sumasailalim na ang mga mag-aaral sa “disciplinary measures.” 

Ang mga bata ay parang espongha o sponge. Sa murang edad pa lang nila, nasisipsip na nila ang mga kaalaman at ugali ng mga taong nakapaligid sa kanila. Naitatanim sa kanilang murang kaisipan kapwa ang tama at maling impormasyon na huhubog naman sa kanilang pananaw, kilos, at pananalita. Kinokopya nila ang kanilang mga nakikita at naririnig, na siguradong pinatitindi ng social media. Kung napapaligiran sila ng mga taong palamurá, bastos, at naghahangad ng kapahamakan ng iba, malaki ang tsansang ganito rin ang kanilang magiging asal. Sa kaso ng mga nagmuráng bata sa Davao, malamang na nalantad sila sa isang kapaligiran kung saan tila normal na ang pagmumurá. 

May kasabihan nga tayo: ang maling ginagawa ng matatanda ay tama sa mata ng mga bata.

Maaaring gamitin nating mga Katoliko ang ensiklikal ni Pope Francis na Amoris Laetitia bilang gabay sa paghubog sa ugali ng mga bata. Batay sa dokumentong ito, ang ating Simbahan ay naniniwalang ang pagiging disente ay hindi nangangahulugang dapat sumunod lang sa kung ano ang idinidikta, halimbawa, ng mga magulang. Gaya ng lagi nating ipinangangaral, iginagalang ng Simbahan ang personal na kalayaan ng tao at dito nakaugat ang pagtitimpi sa sarili at paggalang sa kapwa; sa Ingles, self-control and respect for others. Bagamat malaya tayong ipahayag ang ating saloobin—gaya ng gálit sa pulitiko—palagi itong dapat unahan ng kahinahunan at respeto. Kung galít man ang mga bata kay PBBM, mainam na gabayan sila kung paano ang galit na ito ay hindi mauuwi sa pagiging bastos. 

Ipinapaalala rin ng Amoris Laetitia ang tungkulin ng mga magulang sa paghubog sa ugali ng mga bata. Hindi nila ito dapat ipagkatiwala lamang sa mga paaralan o ibang institusyon sa labas ng pamilya. Kaya tama ang ginawa ng DepEd na makipag-ugnayan sa mga magulang ng mga batang minura ang pangulo. Dapat silang paalalahanan na ang pamilya ang unang paaralan ng mga bata. 

Tama rin ang mensahe ng opisina ng DepEd sa Davao na hindi dapat kunsintihin ang maling ginawa ng mga bata. Pero dapat din itong may kalakip na pagtatama—pagtatamang hindi gumagamit ng pananakit kundi nakatuon sa pagmamahal sa kanila. Ayon pa sa Amoris Laetitia, dapat turuan ang mga bata na ang maling gawain ay may consequences o mga kinahihinatnan. Sa kaso ng mga estudyante sa Davao, mahalagang ipaunawa sa kanila na maaari silang gayahin ng iba at hindi ito nakabubuti. 

Mga Kapanalig, gusto nating isiping isolated case lamang ang nangyaring ito sa Davao. Gusto nating maniwala na pinahahalagahan pa rin ng ating mga mag-aaral ang respeto at kabutihang-asal. Pero maging wake-up call sana ang insidenteng ito sa Davao sa mga nakatatanda, lalo na sa mga magulang at guro. Gaya ng ipinahihiwatig sa Deuteronomio 6:6-7, ang pagtuturo ng mabuting asal sa mga bata ay isang tuluy-tuloy na gawain, mula “sa inyong pagtulog sa gabi [hanggang] sa inyong pagbangon sa umaga.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 31,384 total reads

 31,384 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 85,729 total reads

 85,729 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 149,410 total reads

 149,410 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 217,537 total reads

 217,537 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 247,725 total reads

 247,725 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Agosto 12, 2026

 1,736 total reads

 1,736 total reads Miyerkules ng Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Juana Francisca de Chantal, namanata sa Diyos Ezekiel 9, 1-7; 10,

Read More »

Martes, Agosto 11, 2026

 3,561 total reads

 3,561 total reads Paggunita kay Santa Clara ng Assisi, dalaga Ezekiel 2, 8 – 3, 4 Salmo 118, 14. 24. 72. 103. 111. 131 O kay

Read More »

Lunes, Agosto 10, 2026

 5,807 total reads

 5,807 total reads Kapistahan ni San Lorenzo, Diyakono at Martir 2 Corinto 9, 6-10 Salmo 111, 1-2. 5-6. 7-8. 9 Ang taong tunay na mat’wid ay

Read More »

Linggo, Agosto 9, 2026

 6,595 total reads

 6,595 total reads Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 19, 9a. 11-13a Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Pag-ibig mo’y ipakita, iligtas kami sa dusa.

Read More »

Sabado, Agosto 8, 2026

 7,305 total reads

 7,305 total reads Paggunita kay Santo Domingo, pari Habacuc 1, 12 – 2, 4 Salmo 9, 8-9. 10-11. 12-13 Tanang sa ‘yo dumudulog ay tunay na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top