35,530 total reads
Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Libu-libong mamamayan, ang naperwisyo ng baha dulot ng malakas na buhos ng ulan. Ang dating hindi binabahang lugar ay nagmistulang sapa at ilog. Ito kaya ay dulot ng industrialization o pag-unlad?
Kapag malakas ang buhos ng ulan, “new normal” na ang malawakang pagbaha at pagkaparalisa ng mga aktibidad sa ilang bahagi ng bansa lalu na kalakhang Maynila.
Natukoy na ang mga sangkot sa maanumalyang multi-bilyong pisong flood control projects ng pamahalaan, kinabibilangan ito ng mga Senador, mga Congressman, opisyal ng DPWH, COA, mga kasabwat na kontraktor., ngunit mga pipitsugin lamang ang kinasuhan at nakulong.
Ang mga ganid na opisyal ng pamahalaan at kontraktor ang dahilan ng pagiging “waterworld” ng ating komunidad. Sa halip na magtayo ng matatag na flood control, konting hukay.,konting bakal at semento lang ang ginawa., ang hindi nakakatuwa, marami sa mga ito ay “ghost project”. Nakobra na ang milyun-milyong pisong pondo, wala namang proyekto.
Kapanalig, lalung tataas ang BP mo sa natuklasan ni Senador Panfilo Lacson na umaabot ng 1.939-trilyong piso ang ginastos ng pamunuan ng tatlong pangulo ng Pilipinas sa flood control management program ng D-P-W-H mula 2011 hanggang 2025. Ano nangyari sa pondo? Saan ginastos ang pondo? Sino ang bumulsa sa pera ng taumbayan?
Kada taon, mahigit sa 100-bilyong piso ang taunang pondo para sa flood control management, Trilyong piso na ang pondo sa flood control, nagtangka ang administrasyong Aquino, administrasyong Duterte at Marcos, bakit uncontrolled pa rin ang baha?
Kung susumahin Kapanalig, 350-milyong piso ang ginagastos ng D-P-W-H sa paggawa ng flood control, bakit patuloy pa rin ang pagbaha? Hindi kayang pigilan ng “flood control” ang “uncontrolled flood.
Mukhang mula taong 2011 hanggang 2025, marami ang naging bilyunaryo sa flood control projects ng pamahalaan habang nagdurusa ang maraming Pilipino sa kanilang pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Tinukoy ni John Paul II sa encyclical na Centesimus Annus na ang kalikasan “nature as a gift from God and the need for humans to cooperate with God in promoting the rightly ordered flourishing of the environment (CA 37). Iginiit din sa encyclical ang connection between natural ecology and “human ecology” (CA 38).
Binigyan-diin naman sa encyclical na Laudato Si ni Pope Francis ang konsepto ng “integral ecology” na naka-addressed to “every living person on this planet” (LS 3).
Itinuturo ng Simbahang Katolika na sa anumang pag-unlad hindi dapat naiiwan sa laylayan ang taumbayan.
Sumainyo ang Katotohnaan.




