Paghahanda sa Nazareno 2027, sinimulan ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total reads

Ibinahagi ng pamunuan ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ang pagsisimula ng mga paghahanda para sa Nazareno 2027, hindi lamang para sa maayos at ligtas na Traslación kundi higit sa lahat, para sa pagpapalawak ng debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ayon kay Fr. Ramon Jade Licuanan, rector at parish priest ng Quiapo Church, layunin ng paghahanda na mailapit ang pagdiriwang sa mas maraming deboto sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga lokal na kapistahan sa mga diyosesis.
“I think a more important reason is para yung debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ay makarating sa iba’t ibang sulok ng ating bansa and even from other countries,” pahayag ni Fr. Licuanan sa Radyo Veritas.

Sinabi ng pari na nais ng Quiapo Church na mas dumami ang mga lokal na pagdiriwang ng kapistahan ng Jesus Nazareno, lalo na sa mga diyosesis na malayo sa Manila.

Bahagi nito ang patuloy na Dalaw Nazareno kung saan buwan-buwan ay dinadala ang debosyon sa iba’t ibang lugar at nagbibigay ng mga opisyal na replica ng imahen ng Jesus Nazareno sa mga diyosesis upang mahikayat ang mga lokal na pagdiriwang.

Ibinahagi pa ni Fr. Licuanan na may mga opisyal na replica na ipinadala sa ibang bansa, kabilang ang Amerika, bilang bahagi ng pagsisikap na mapalawak ang debosyon sa Jesus Nazareno sa labas ng Pilipinas.

Naniniwala si Fr. Licuanan na mahalaga ang ganitong hakbang hindi lamang upang maibsan ang napakalaking bilang ng mga debotong nagtutungo sa Maynila kundi upang magkaroon ang mga mananampalataya ng pagkakataong ipagdiwang ang kapistahan sa kani-kanilang mga komunidad.
“Hindi naman ganoon kalakihan ang Maynila, meron tayong maliliit na kalsada, and it’s very challenging… to ensure yung maayos, banal at ligtas na pagdiriwang,”

Samantala, sinabi ng pari na nagkaroon na ang Quiapo Church ng strategic planning para sa Nazareno 2027 at nabuo na rin ang mga komiteng mangunguna sa paghahanda.

Isinasagawa na rin ang mga courtesy meeting kasama ang iba’t ibang ahensiyang katuwang ng dambana para sa seguridad at operasyon ng kapistahan, kabilang ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority, intelligence community at Malacañang.

Binigyang-diin ni Fr. Licuanan na malawak ang saklaw ng paghahanda dahil itinuturing ang kapistahan ng Jesus Nazareno bilang isang national security event, lalo na sa harap ng milyong-milyong debotong dumadalo sa mga aktibidad, partikular sa Traslación.

Mahalagang usapin ito matapos tumagal nang halos 31 oras ang Traslación 2026, ang pinakamahabang Traslación na naitala sa kasaysayan na dinaluhan ng milyun-milyong deboto sa kahabaan ng ruta.

Tema para sa Nazareno 2027 ang “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon,” na hango sa Juan 1:23.

Inihahanda naman ang mga deboto hindi lamang para sa isang malaking prusisyon kundi para sa mas malalim na pag-unawa sa kahulugan ng kanilang debosyon.

“Isa itong pagkakataon na naman po para magpasalamat tayo, una sa lahat, sa Mahal na Poong Hesus Nazareno sa isang sama-samang pagdiriwang ng kapistahan sa kanyang karangalan,” ayon kay Fr. Licuanan.

Dagdag ng opisyal na mahalaga ring gamitin ang pagdiriwang upang palalimin ang pananampalataya at maunawaan nang higit ang kahulugan ng iba’t ibang gawaing debosyonal sa Mahal na Poong Jesus Nazareno.

Samantala, binuksan din ng Quiapo Church sa publiko ang logo-making contest para sa Nazareno 2027 kung saan sa kasalukuyan ay mayroon itong 40 entries.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 2,197 total reads

 2,197 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 60,150 total reads

 60,150 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 120,647 total reads

 120,647 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 139,653 total reads

 139,653 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 220,306 total reads

 220,306 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 319,306 total reads

 319,306 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top