Isaalang-alang ang kaligtasan at karapatan ng mga manggagawa, panawagan ng TUCP sa employers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,970 total reads

Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa mga employer na higit na isaalang-alang ang kaligtasan at karapatan ng mga manggagawa sa panahon ng bagyo, baha at iba pang sakuna, lalo na kung mapanganib na ang pagpasok sa trabaho.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni TUCP Spokesperson Carlos Miguel Oñate na nakapaloob sa Occupational Safety and Health Law ang karapatan ng manggagawa na tumanggi sa trabahong itinuturing na mapanganib.

“Meron tayong Occupational Safety and Health Law, meron pong right to refuse unsafe work. May karapatan po ‘yung bawat manggagawa na hindi pumasok kung delikado na, Lalo itong in the past few days na ito, baha na ‘yung kalsada, baha na ‘yung kanilang mga tahanan, meron po silang karapatan na hindi pumasok, Hindi pwede silang pilitin ng employer.” Bahagi ng pahayag ni Oñate sa Radyo Veritas.

Gayunman, sinabi ni Oñate na nananatiling hamon para sa mga manggagawa sa pribadong sektor ang “no work, no pay” policy.

Aniya, bagama’t maaaring hindi pilitin ng employer ang isang manggagawa na pumasok sa mapanganib na sitwasyon, maaaring mawalan naman ito ng sahod kung hindi papasok.
“Ang problema nga lang po na under sa ating mga labor advisory ng DOLE, eh kailangan po, ‘no, kung kayo po’y hindi makakapasok kahit na hindi natin kasalanan ‘yung baha at bagyo, eh “no work, no pay” po eh. ‘Yun ‘yung problema para sa ating mga manggagawa sa pribadong sektor… Meron nga pong karapatan, kaya lang ang nagbabayad para sa karapatan na ‘yon, ‘yung manggagawa pa rin.” Dagdag pa ni Oñate.

Ayon kay Oñate, mas may proteksiyon ang mga manggagawang kabilang sa unyon dahil maaaring nakapaloob sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ang mga probisyon para sa sahod kahit suspendido ang trabaho dahil sa kalamidad.

Samantala, hinikayat niya ang mga manggagawang makararanas ng paglabag sa kanilang karapatan na idulog ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Single Entry Approach.

“Dito nakikita natin yung diperensya ng may unyon at sa walang unyon, Kasi kung meron ho kayong unyon, mas madali ho itong maparating itong concern na ‘to, and in fact, marami pong mga CBA na nakalagay para protektahan talaga na kahit walang pasok dahil may bagyo, eh meron ka pa ring sahod dahil ‘yan ay napag-negotiate na sa employer. Dun po sa mga non-unionized, unfortunately, wala po tayong ganung sinasandalan.” Ani Oñate.

Binigyang-diin din ng TUCP ang sitwasyon ng mga contractual at independent workers na maaaring hindi ganap na napoprotektahan ng kasalukuyang labor system.

Aniya, dapat tingnan ang aktuwal na kalagayan ng trabaho at hindi lamang ang label na nakasaad sa kontrata.
Sa pananaw ng Simbahan, ang kaligtasan at makatarungang pagtrato sa manggagawa ay bahagi ng dignidad ng paggawa, kung saan hindi dapat ituring na kapalit ng kita o produksyon ang buhay at kaligtasan ng tao, lalo na sa panahon ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 24,671 total reads

 24,671 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 68,986 total reads

 68,986 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 106,610 total reads

 106,610 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 213,489 total reads

 213,489 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 257,213 total reads

 257,213 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top