Sacred music, mahalaga sa liturgy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,479 total reads

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na mapalapit ang mga mananampalataya sa Diyos.

Ayon kay Radio Veritas Vatican Correspondent, Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma, tinalakay ng Santo Papa sa kanyang Wednesday Audience ang tungkol sa liturhiya at ang Sacrosanctum Concilium ng Second Vatican Council, partikular ang papel ng banal na musika.

Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na hindi dapat ituring na entertainment o performance ang musika sa loob ng Misa.

“Napag-usapan niya this time ay ang sacred music na makakatulong sa ating pagdasal. Sacred music na nagdadala sa atin sa Panginoon, na nagpapalapit sa atin sa Panginoon. Ang music sa loob ng liturgy, lalo na sa Misa, ay hindi ‘yan entertainment.” Bahagi ng ulat ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, ibinahagi ng Santo Papa na layunin ng musika at mga awit sa Misa na tulungan ang mga mananampalataya na manalangin at mapalapit sa Panginoon, kung saan bahagi rin ng panalangin ang mga sandali ng katahimikan sa loob ng liturhiya.

“Dasal po yung music. Kaya may part ng music, may part din ng silence. Sa liturgy, sa Misa, may parts na tahimik na yung lahat kasi nagdadasal tayo. Kasama ‘yan sa dasal. Kaya hindi po show ang Misa.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Binigyang-diin din ng Pari ang mahalagang papel ng mga choir at music ministry, ngunit sinabi niyang kailangang makasabay din ang buong sambayanan sa pag-awit.

Ayon kay Fr. Gaston, kung magiging masyadong komplikado ang mga awit at hindi na ito masundan ng mga tao, maaaring maging tila palabas na lamang Misa sa halip na isang sama-samang pananalangin.

“Sana napalapit tayo sa Panginoon. At kaya napakalaking tulong ang mga choir, napakalaking tulong ang mga nagsi-serve sa simbahan kasi napapalapit na tayo sa Panginoon. Minsan, kaya part din ng Misa yung kanta. Yung kanta ay hindi ‘yan, kumbaga, hindi ‘yan para ma-entertain tayo, kundi para magdasal tayo. At minsan, ang Misa, ang kanta sa Misa, sana ay lagi, laging nakakasabay ang tao. Sana nakakakanta din yung tao. Kasi kung masyadong complicated naman yung kanta na hindi naman alam ng mga tao.” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Para kay Fr. Gaston, mahalagang tandaan na ang Misa ay hindi isang konsiyerto o pagtatanghal kundi isang pagdiriwang ng pananampalataya kung saan ang buong sambayanan ay tinatawag na makibahagi sa pananalangin.

Paliwanag ng Pari, sa pamamagitan ng tamang paggamit ng sacred music, katahimikan at mga tugon ng sambayanan, ay higit na nagiging daan ang liturhiya upang mapalapit ang puso ng bawat mananampalataya sa Panginoon.

Samantala, ibinahagi rin ni Fr. Gaston na patuloy ang mga gawain ni Pope Leo XIV sa Vatican, kabilang ang kanyang mga mensahe sa iba’t ibang grupo at ang nakatakdang pagbisita sa Republic of San Marino at Rimini.

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 1,480 total reads

 1,480 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 18,673 total reads

 18,673 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 58,659 total reads

 58,659 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 152,890 total reads

 152,890 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 213,379 total reads

 213,379 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 227,287 total reads

 227,287 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 306,857 total reads

 306,857 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top