91 na jeepney at tricycle drivers, binigyang tulong ng Krusada sa Pasada ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,399 total reads

Matagumpay na naidaos ng Radyo Veritas ang ikalawang Krusada sa Pasada sa Hospicio de San Jose, katuwang ang ASA Philippines, Church People-Workers Solidarity o CWS, at Daughters of Charity, bilang suporta sa mga Jeepney at Tricycle Drivers na patuloy na humaharap sa epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Father Roy Bellen – Pangulo ng Radyo Veritas, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang organisasyon ng Simbahan at mga katuwang nito upang maipaabot sa mas maraming nangangailangan ang tulong at awa ng Diyos. Aniya, bagama’t mahirap ang kasalukuyang kalagayan, mahalagang manatiling kumakapit sa Diyos at magtiwala sa Kanyang biyaya at habag.

Iginiit din ni Fr.Bellen na mas nagiging makabuluhan ang mga ganitong pagkilos kapag sama-samang isinasagawa ng iba’t ibang grupo dahil maaaring pansamantala lamang ang naibibigay na tulong, subalit mahalaga ang patuloy na pagkakaisa at pagdamay sa mga nangangailangan upang sama-samang malampasan ang mga pagsubok.

“So, we thank po ang ating mga partners; yung ASA Philippine, CWS, nabanggit nyo ang mga Dioceses Sisters and of course ang mga tiga Radyo Veritas, sakay sa pakiki isa. Hindi mangyayari yung gantong bagay pag isa, dalawang tao lang pero, pag maram ing nag tutulong-tulong, magkakasama, we coordinate and collaborate, marami tayong natutulungan din mga tao, kahit paano may impact yung ating ginagawa. We might say, “Father mga ilang araw lang naman yan tulong mo. Ilang linggo nga even” pero, di matagal yan. Ang mahalaga po, we lived each day, one day at a time, with God’s grace and God’s Mercy. Sa huli po, we realise na yung grasya ng Diyos, tumutubo sa atin, yung tulungan, yung atin pong damayan and through all this, God will see us through. Sabi nga, ano mang pagsubok, pag meron pong tulungan ng tao at merong awa at grasya ng Diyos, ano mang bagay po, ating malalamanpasan, sama-sama,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Bellen.

Samantala, pinasalamatan ni Ely Villanueva, Chairman ng NJODAPPT-NCR at isa sa mga benepisyaryo, ang Radyo Veritas dahil hindi nito nakalimutan ang mga tsuper sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo.

Ayon kay Villanueva, malaking tulong ang mga ipinamahaging tulong dahil habang tumataas ang gastos sa pamamasada higit na matapos lumiit ang naiuuwing kita ng mga tsuper para sa kanilang pamilya.

Sa tala, 66 na Jeepney Drivers mula sa ruta at samahang ‘Mabini, Divisoria, Baclaran, Jeepney Drivers Association’ at 25-Tricycle Drivers naman mula sa San Marcelino Manila TODA ang napamahagian ng fuel vouchers nang Radyo Veritas Foundation sa pakikipagtulungan sa ASA Philippines, CWS, Daughters of Charity at Hospicio De San Jose.

Kaugnay nito, hinimok ng Church People-Workers Solidarity o CWS ang Simbahan at mga mananampalataya na higit na pahalagahan at damayan ang mga jeepney at tricycle driver na patuloy na nagsisilbi sa publiko sa kabila ng hirap ng buhay at mataas na gastusin sa pamamasada.

Ayon kay Father Noel Gatchalian, National Capital Region Chairman ng CWS, hindi lamang para sa mga makapangyarihan at mayayaman ang biyaya at paglilingkod ng Diyos, kundi higit sa lahat para sa mga mahihirap at mga ordinaryong manggagawang araw-araw na naglilingkod sa kapwa.

Ayon sa Pari, malaking bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang serbisyo ng mga tsuper na naghahatid sa mga estudyante, manggagawa at mamimili sa kanilang mga pupuntahan.

Binigyang-diin ni Fr.Gatchalian na ang paglilingkod sa maliliit at nangangailangan ay isang paraan din ng paglilingkod sa Diyos dahil sa halip na nakatuon lamang ang pagtulong sa mga taong kilala o may kapangyarihan, dapat ding ituon ang pansin sa mga naaapi, nahihirapan at may pangangailangan.

Ito ay dahil walang yumayamang public utility driver dahil sapat lamang kadalasan ang kanilang kinikita habang malaki ang kanilang pananagutan sa pamilya, kaya mahalaga maisabuhay ng mga mananampalataya ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng konkretong pagtulong, lalo na sa panahong mataas ang presyo ng diesel at iba pang gastusin sa pamamasada.

““Hindi lamang para sa mga makapangyarihan at mayayaman ang Diyos, kundi higit sa lahat, para sa mga mahihirap at lalong-lalo na sa mga naglilingkod. Napakalaki ng serbisyo ng mga jeepney at tricycle driver dahil sila ang naghahatid sa mga namimili, nag-aaral at nagtatrabaho. Ang paglilingkod sa maliliit ay paglilingkod sa Diyos. Sa panahon na sila’y nangangailangan, ito rin ang panahong dapat natin silang tulungan. Ang munting tulong ay malaking bagay para sa mga mahihirap at nangangailangan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Gatchalian.

Inihayag naman ni Sister Bambi Denoga ng Daughters of Charity of Saint Vincent de Paul-Hospicio de San Jose na bahagi ng kanilang misyon ang pagiging daluyan ng tulong para sa mga higit na nangangailangan dahil isinagawa ang ikalawang Krusada sa Pasada ng Radyo Veritas ang pamamahagi ng fuel vouchers sa mga jeepney driver bilang dagdag-tulong sa kanilang gastusin sa diesel.

“So maraming salamat po sa Radyo Veritas, sa CWS, Church People Workers Solidarity, sa amin din dito sa Hospicio San Jose, sa pag tutulungan para sa pag babahagi ng biyaya sa ating mga jeepney drivers at mga tricycle drivers. Ating mga jeepney drivers po; Ang binigay po sa kanila ay GAS Vouchers, makatulong sa pambayad ng kanilang mga Diesel. Ang mga jeepney drivers po natin ay nag b-byahe ng Baclaran, Mabini, Divisoria, at ang ating mga drivers at tricycle drivers naman ay nag b-byahe po sa San Marcelino papunta sa Manila,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Sr.Denoga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 41,629 total reads

 41,629 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 76,304 total reads

 76,304 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 105,205 total reads

 105,205 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 141,687 total reads

 141,687 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 157,359 total reads

 157,359 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top