752-libong katao, naapektuhan ng dalawang nagdaang bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,412 total reads

Umabot na sa mahigit 752,000 katao ang naapektuhan ng dalawang nagdaang bagyo at pinaigting na Hanging Habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha at iba pang pinsala sa ilang bahagi ng bansa.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas ibinahagi ni Office of Civil Defense (OCD) Information Officer Diego Agustin Mariano na katumbas ang bilang na ito ng mahigit 223,000 pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

“Ang latest po natin sa numero po ng mga naapektuhan nating kababayan nitong buhat nitong dalawang bagyo at hanging habagat is meron na po tayong 223,000 na families, at katumbas po niyan ay nasa 752,000 na katao po ang naapektuhan nitong sakunang ‘to.” Bahagi ng pahayag si Mariano sa Radyo Veritas.

Sa tala ng OCD, may naitala ring walong nasawi, siyam na sugatan at isang nawawala, habang umabot na sa P1.12 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at P3.53 milyon naman sa agrikultura.

Inihayag naman ni Mariano na patuloy ang pagbibigay ng pangunahing pangangailangan sa mga residenteng nasa evacuation centers, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at national government agencies.

Ayon kay Mariano, nasa P33.94 milyon na ang halaga ng assistance na naipamahagi sa mga naapektuhan.

“Sa ngayon po ‘yung mga pangangailangan naman po ng ating mga kababayan, especially dun po sa mga kababayan nating nasa loob po ng ating mga evacuation centers, is naibibigay naman po ‘yung mga basic needs nila.” Dagdag pa ni Mariano.

Pagbabahagi ni Mariano, pangunahing nakatalaga ang mga LGU sa pagtugon sa pangangailangan ng mga evacuee, na dinaragdagan naman ng assistance mula sa OCD, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at iba pang national government agencies.

Samantala, naitala rin ng OCD na patuloy ding naaapektuhan ang biyahe sa mga pantalan dahil sa sama ng panahon kung saan umaabot na sa 383 pasahero, 44 rolling cargoes at limang barko ang stranded, habang 18 pantalan ang kasalukuyang sarado.

Bukod dito, binigyang-diin ng OCD ang pangangailangan ng koordinasyon sa pagitan ng mga LGU at power providers sa mga lugar na binabaha upang maiwasan ang aksidente dulot ng kuryente.

“Dapat po ang electricity company provider po sa certain area is nakakapag-coordinate po sila sa LGUs concerned.” Ani Mariano.

Ipinaliwanag ni Mariano na kapag tumataas na ang tubig-baha, kinakailangang magkaroon ng agarang koordinasyon upang matukoy kung dapat nang patayin ang suplay ng kuryente para sa kaligtasan ng mga residente.

“Once na nai-report po na medyo tumaas na dapat ‘yung tubig baha, is dapat coordinated din po ito sa power provider kung dapat po bang patayin or safe pa rin po ba kung nakabukas.” Ayon kay Mariano.

Sa harap ng patuloy na banta ng pagbaha at iba pang hazard, nanawagan ang OCD sa publiko na agad sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad, partikular sa mga lugar na inaatasang lumikas.

“Kapag ang ating authorities po ay nagtawag po ng evacuation, sana po tayo ay sumunod at mag-evacuate po.” Dagdag pa ni Mariano.

Binigyang-diin ni Mariano na ang maagang paglikas ay mahalaga upang maprotektahan ang buhay at maiwasan ang karagdagang casualties, lalo na kung mabilis nang tumataas ang tubig-baha.

Hinimok din niya ang publiko na maging mapagmatyag at alamin ang mga hazard sa kanilang lugar upang makapaghanda at makagawa ng tamang hakbang bago pa lumala ang sitwasyon.

“Tayo po ay maging maalam sa paligid natin. Ano na po bang nangyayari sa paligid natin, at alamin natin ano ‘yung mga hazard na meron po sa ating kapaligiran.” Pagbabahagi pa ni Mariano.

Ayon sa OCD, ang sapat na kaalaman at paghahanda ay makatutulong upang manatiling kalmado ang mga mamamayan at mapanatili ang kaligtasan ng buong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 35,775 total reads

 35,775 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 140,805 total reads

 140,805 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 226,915 total reads

 226,915 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 297,049 total reads

 297,049 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 329,116 total reads

 329,116 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top