Pagtigil na ng karahasan sa Ukraine, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,398 total reads

Muling nanawagan si Pope Leo XIV na wakasan ang karahasan sa Ukraine, kasabay ng panawagan na bigyang-daan ang dayalogo, kapayapaan at diplomasya.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square, sinabi ng Santo Papa na may mga bagong pag-atake sa ilang lungsod at sa imprastraktura ng mga sibilyan sa Ukraine na nagresulta sa pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan.

Patuloy ang pakikiisa ng punong pastol sa pagdurusa ng mga Ukrainian na ilang taon nang namumuhay sa gitna ng pangamba at takot.

“I renew my appeal to put an end to the violence, to stop the destruction, and to open hearts to dialogue and peace!” ayon kay Pope Leo XIV.

Umaasa rin si Pope Leo na magkakaroon ng konkretong resulta ang mga pagsisikap na muling isulong ang mga kasunduang pangkapayapaan.

“I hope that the efforts undertaken in these days to resume negotiations will bear concrete fruit and open space for diplomacy,” aniya.

Nanawagan din ang Santo Papa sa mga mananampalataya na ipanalangin ang pagkakaroon ng pagkakasundo sa lahat ng lugar na patuloy na nakararanas ng tunggalian.

Samantala, sa kanyang pagninilay bago ang Angelus, binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang tungkulin ng mga Kristiyano na magmahal sa kapwa at harapin nang maayos ang mga hidwaan sa loob ng mga pamayanan.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng fraternal correction o mapagmahal at tapat na pagtutuwid sa isa’t isa, sa halip na pagrereklamo at paninirang-puri.

“Complaining and speaking ill of others are easier, but they accomplish nothing and leave many situations paralyzed,” dagdag ng Santo Papa.

Aniya, ang tapat na pakikipag-usap ay maaaring makatulong upang harapin ang realidad at gawing pagkakataon para sa paglago ang mga problema at alitan.

Iginiit ng pastol na ang tunay na pagkakaisa ay nakaugat sa pagkikita, pagpapatawad at pakikinig sa isa’t isa sa Panginoon.

“By grace, however, we are brothers and sisters who can live in harmony: meeting one another, forgiving one another and listening to one another in the Lord.”

Hiniling ng Santo Papa sa mga mananampalataya na manalangin para sa pagkakaisa at kapayapaan sa Ukraine at sa iba pang bahagi ng mundo na patuloy humaharap sa mga karahasan at mga banta ng sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 36,809 total reads

 36,809 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,266 total reads

 87,266 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 135,137 total reads

 135,137 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 239,085 total reads

 239,085 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,312 total reads

 323,312 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top