Mga deboto ni Nuestra Señora del Buen Suceso, hinamong isabuhay ang pagsunod kay Kristo at paglilingkod sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,905 total reads

Hinamon ni Parañaque Bishop Emeritus Jesse Mercado ang mga deboto ng Nuestra Señora del Buen Suceso na gawing kongkretong misyon at paglilingkod ang kanilang debosyon sa Mahal na Birhen sa halip na manatili lamang sa mga gawaing panrelihiyon.

Sa kanyang homiliya sa pagtatapos ng Jubilee Year ng Birhen ng Buen Suceso nitong September 8 sa Parañaque Cathedral, sinabi ng obispo na ang tunay na kahulugan ng debosyon kay Maria ay ang pagtulad sa kanyang pananampalataya, pagsunod sa Diyos at paglilingkod sa kapwa.

“Hindi tayo nagtatapos sa debosyon, nagtatapos tayo sa misyon. Hindi lamang ‘Viva, Nana Ciso,’ kundi ‘Nana Ciso, turuan mo kaming maging mga alagad ni Hesus,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Mercado.

Binigyang-diin ng obispo na hindi sapat ang pagkilala kay Maria bilang Reyna sa pamamagitan ng korona kung hindi naisasabuhay ng mga deboto ang mga pagpapahalagang ipinamamalas niya.

“Ang tunay na korona ni Maria ay hindi lamang ginto. Ang kanyang tunay na korona ay faith, humility, obedience, service, and trust. At higit sa lahat, Christ. Si Maria ay reyna dahil siya ay unang naging lingkod,” giit ng obispo.

Ayon kay Bishop Mercado, ang pagsasara ng Jubilee Year ay hindi dapat maging pagtatapos ng debosyon kundi simula ng mas malalim na pakikibahagi sa misyon ng Simbahan.

Hinimok niya ang mga deboto na gawing praktikal ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapatawad, pagtulong, pagdalaw at pananalangin para sa kapwa.

“Isang tao na patatawarin, isang tao na tutulungan, isang taong bibisitahin, isang taong ipagdarasal. Isang gawa ng kabutihan na gagawin natin nang tahimik,” panawagan ng obispo.

Iginiit din ni Bishop Mercado na hindi kailangang maunawaan ng tao ang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay upang manatiling tapat sa Diyos.

Sa gitna ng mga pagsubok, sinabi ng obispo na ang mahalagang pangako ng Diyos ay ang Kanyang patuloy na presensya.

Samantala, sinabi ni Fr. Lamberto Legaspino, rector ng Cathedral Parish of St. Andrew at Diocesan Shrine of Nuestra Señora del Buen Suceso, na ang mensahe ng Jubilee ay dapat magpatuloy sa aktuwal na pagkilos ng mga deboto.

“Pinakadiin-diinan ng Jubilee Year ay hindi nagtatapos sa isang debosyon, kundi dapat ay magtapos sa isang misyon,” giit ni Fr. Legaspino.

Hinikayat ng pari ang mga deboto na kilalanin ang kanilang sarili hindi lamang bilang mga tagasunod ni Nana Ciso kundi bilang mga taong handang kumilos para sa misyon.

Pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., ang kasalukuyang administrator ng Diocese of Parañaque, ang pagdiriwang ng banal na misa sa pagtatapos ng Jubilee Year at pagsasara ng Jubilee Door ng dambana.

Katuwang ng obispo sina Bishop Mercado, Antipolo Bishop Emeritus Francisco de Leon, Caceres Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona at mga bisitang pari.
Sinariwa rin sa pagdiriwang ang pagputong ng korona sa imahe ni Nana Ciso, kung saan ngayong taon ang ika-26 na anibersaryo ng canonical coronation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 11,575 total reads

 11,575 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 35,508 total reads

 35,508 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 72,009 total reads

 72,009 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 292,633 total reads

 292,633 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 326,635 total reads

 326,635 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top