Pamahalaan, dapat nakahanda na sa El Niño-PARE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,368 total reads

Naniniwala ang Partners for Affordable and Reliable Energy (PARE) na dapat magkaroon ng tuloy-tuloy na paghahanda ang pamahalaan para sa epekto ng Super El Niño sa suplay ng kuryente, sa halip na maghintay lamang sa pagdeklara ng isang weather phenomenon bago pa kumilos.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Nic Satur, Jr., Chief Advocate Officer ng PARE, na hindi na bago ang El Niño at iba pang matitinding kondisyon ng panahon kaya dapat ay bahagi na ng regular na energy planning ang paghahanda rito.

“Kung titingnan po natin, ano… El Niño, Super El Niño… these things, hindi naman na bago. Kung titingnan po natin ang heat index na inaasahan natin ngayon, may go up to 53 degrees Celsius. But we have already experienced 51, 52, years back in 2024.” Bahagi ng pahayag ni Satur sa Radyo Veritas.

Ayon kay Satur, kinakailangan ding masuri kung sapat ba ang ginagawang paghahanda ng lahat bago pa maramdaman ang epekto ng El Niño.

“Kung titingnan natin po, hindi naman na po bago ang El Niño. Yearly po, meron po tayong na-experience na ganyan. Ang question na lang po is, bakit kaya wala tayong paghahanda na ginagawa on a yearly basis?” Dagdag pa ni Satur.

Nagbabala rin si Satur na maaaring magkaroon ng domino effect ang mga extreme weather condition sa presyo ng kuryente at iba pang pangunahing gastusin.

“Ang nakakatakot po, every time po na magkakaroon ng ganitong announcement, sasabihin nila El Niño, La Niña, these things, after nito, aasahan po natin, lahat po, tataas po ang bilihin: kuryente, krudo, ‘yan po ‘yung mga kasunod niya.” Ayon pa kay Satur.

Sinabi ng DOST-PAGASA na kasalukuyang umiiral ang Strong El Niño at inaasahang lalakas pa ito tungo sa Very Strong El Niño bago matapos ang 2026 at magpapatuloy hanggang unang bahagi ng 2027.

Binigyang-diin ni Satur na bahagi ng mandato ng PARE ang pagtulong sa mga consumer na mas maunawaan ang komplikadong usapin ng enerhiya.

“Ang PARE or Partners for Affordable and Reliable Energy ay koalisyon po ng consumers nationwide. Tayo po, ang ginagawa po natin ay tumutulong tayo sa energy literacy… Tinuturuan natin ang ating mga mamamayan para po pasimplehin at intindihin itong isyu ng ating kuryente, kasi napakakomplikado po ng mga isyu ng kuryente.” Ani Satur.

Bukod dito, nakikilahok din ang grupo sa mga public consultation at technical working group upang maibahagi ang pananaw ng mga consumer sa paggawa ng mga polisiya sa enerhiya.

“Sumasama rin po tayo sa mga public consultations at technical working group para po makatulong tayo at makapagbigay tayo ng mga insights po natin on a perspective and lens of consumers sa ating Kongreso at pati na rin sa ating Senado, at matulungan natin na mas mapaganda ang ating mga energy laws.” Ayon pa kay Satur.

Pagbabahagi ni Satur, hindi maiiwasan ang paglipat tungo sa renewable energy, ngunit kailangan pa ring tiyakin ang balanse sa pinagkukunan ng kuryente upang mapanatili ang reliability ng suplay.

“Isa po sa pino-promote natin, renewable energy is inevitable. Diyan po tayo papunta. Pero ang kailangan po natin ngayon ay balanced energy mix, ‘no? ‘Yan po.”

Para sa PARE, mahalaga ang patuloy na energy literacy, consumer participation at pangmatagalang pagpaplano upang hindi maging panaka-nakang tugon lamang ang paghahanda ng bansa sa Super El Niño at iba pang banta sa energy security.

Sa bahagi naman ng Department of Energy may mga hakbang din ang ahensya upang palawakin ang renewable energy at gawing mas accessible ang sariling solar generation para sa mga consumer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,227 total reads

 224,227 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,958 total reads

 255,958 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,782 total reads

 357,782 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,344 total reads

 398,344 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,975 total reads

 409,975 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top