Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 112,944 total reads

Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability.

Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng isang comedy at talk podcast kung saan pinagtatawanan ng mga hosts si Joshua Aquino, anak ng TV personality na si Kris Aquino. Si Josh ay nasa tinatawag na autism spectrum. “Walang kwenta” raw siya kumpara sa nakababata niyang kapatid. 

Anong karakter ang meron sa mga natatawa sa ganitong biro? 

Paalala sa Lucas 6:31: “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.” Kung tayo mismo ay masasaktan kapag tinawag na “walang kwenta,” bakit natin ito sasabihin sa iba, lalo na sa mga nasa autisim spectrum? Magkaiba ang pagpapatawa at pangungutya. Kapag ginagawang katatawanan o punchline ang kondisyon ng isang tao at ginagamit ito upang maliitin ang kanyang pagkatao, hindi na ito komedya. Pang-aapi na ito.

Matapos mag-viral ang video, agad na umani ng batikos ang podcast. Sa pahayag ng Autism Society Philippines, sinabi nitong “Disability inclusion is a matter of rights, not personal preference.” Dapat gumawa ng mga content na nagbibigay-kaalaman at nakaaaliw habang iginagalang ang kapwa. Anila, kung kailangang maliitin ang pagkatao ng isang tao para makapagpatawa, hindi ang mga nasasaktan ang problema, kundi ang mga gumagawa ng birong nakasasakit.

Tinanggal na ang naturang video at ang mismong podcast. Kinikilala daw ng distributor ang mga hinaing ng publiko, at binigyang-diin nilang nararapat tratuhin nang may dignidad at paggalang ang mga taong may kapansanan. Bilang distributor, responsabilidad din daw nilang suriin ang isang content bago ito ilabas sa kanilang platform.

Naglabas din ng pahayag ang isa sa mga hosts. Ipinaliwanag niyang bilang isang taong may attention-deficit / hyperactivity disorder o ADHD, nahihirapan siyang pigilan ang kanyang naiisip bago niya masabi ang mga ito. Pero nilinaw niyang hindi ito dahilan para bigyang-katwiran ang kanyang ginawa.

Mahalaga ang paghingi ng paumanhin. Lahat tayo ay nagkakamali, at maaari tayong matuto mula rito. Ang pananagutan ay hindi lamang pagkilala sa pagkakamali, kundi pagsisikap ding huwag na itong maulit. Pero kung nanais ng pamilya Aquino na magsampa ng kaso, dapat maging handa ang mga sangkot na harapin ang mga posibleng legal na kahihinatnan. Karapatan ng pamilya na magpasya kung anong hakbang ang nais nilang gawin.

May proteksyon ang mga taong may kapansanan sa ilalim ng batas. Ipinagbabawal ng Republic Act No. 9442 ang anumang uri ng pangungutya at pang-iinsulto batay sa kapansanan. Para sa unang paglabag, maaaring ipataw ang multang ₱50,000 hanggang ₱100,000, pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o pareho. Kinikilala rin ng Pilipinas ang UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities, na nagtataguyod ng pantay na karapatan at dignidad ng mga taong may kapansanan.

Pero higit sa batas, itinuturo sa atin ng pananampalatayang Katoliko na ang bawat tao ay nilikha sa larawan ng Diyos. Taglay ng bawat isa ang likas na dignidad, anuman ang kanyang kondisyon, kakayahan, o kalagayan sa buhay. Hindi kailangang patunayan ng isang tao ang kanyang halaga sa pamamagitan ng kung ano ang kaya niyang gawin, at lalong hindi dapat ikumpara ang kanyang halaga sa iba. May kapansanan man o wala, lahat ng tao ay pantay ang dignidad.

Mga Kapanalig, sa susunod na makarinig tayo ng ganitong biro, huwag nating basta sabayan ang pagtawa. Tanungin natin ang ating sarili: nakakatawa ba talaga ito, o may taong ginagawang katatawanan at nasasaktan? Hindi kailangang may maliitin upang makapagpasaya ng iba. Tandaan din natin na walang sinuman ang “walang kwenta.” Gawin natin ang ating bahagi sa pagtataguyod ng isang lipunang gumagalang sa dignidad at karapatan ng lahat, kabilang ang mga taong may kapansanan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 6,144 total reads

 6,144 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 112,946 total reads

 112,946 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 199,058 total reads

 199,058 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 269,191 total reads

 269,191 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 302,575 total reads

 302,575 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang balde

 6,145 total reads

 6,145 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 199,059 total reads

 199,059 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 269,192 total reads

 269,192 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 302,576 total reads

 302,576 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »
Scroll to Top