Isuko ang sarili sa gabay ng Espiritu Santo, panawagan ni Bishop Cabrera sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,947 total reads

Nanawagan si Alaminos Bishop Emeritus Jesus Cabrera sa mga mananampalataya na isuko ang mga sarili sa paggabay ng Espiritu Santo upang higit na mahubog ang kanilang buhay kay Kristo at maisabuhay ang tunay na pag-ibig sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa huling araw ng National Spiritual Direction Conference ng CHARIS Philippines sa Liloan, Cebu, iginiit ng obispo na ang pagtalikod sa sariling kagustuhan at pagbibigay-daan sa pagkilos ng Espiritu Santo ay hindi tanda ng kahinaan, kundi isang mahalagang hakbang tungo sa paglagong espirituwal.

“When we empty ourselves day by day, moment by moment, the Holy Spirit takes over. He takes control,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Cabrera.

Binigyang-diin ng obispo na kailangang matutong makinig ang bawat mananampalataya sa tinig ng Espiritu Santo sa bawat sandali ng kanilang buhay at maging handang sumunod sa Kanyang kalooban.
Aniya, sa patuloy na pagtalima sa Banal na Espiritu ay higit na nagiging buhay ang presensiya ni Kristo sa mga mananampalataya, kung saan naipagpapatuloy at napapalawak ang Kanyang misyon sa pamamagitan ng kanilang mga salita at pagkilos.

Ipinaliwanag din ng obispo na ang tunay na pagkilos ng Espiritu Santo ay dapat makita sa konkretong pagsasabuhay ng pag-ibig, lalo na sa pakikitungo sa kapwa.

“If there is one thing we ought to do, it is this: love. The measure of our love for others is now the same measure with which Christ has loved us,” ayon kay Bishop Cabrera.

Hinimok ng obispo ang mga kalahok sa pagtitipon na huwag limitahan ang kanilang pananampalataya sa mga espirituwal na karanasan, kundi ipakita ito sa pamamagitan ng paglilingkod, pagpapatawad, at pagdadamayan.

Binigyang-diin din ni Bishop Cabrera na ang tunay na pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng araw-araw na pagtanggi sa sarili at pagtanggap sa krus.

“Surrender is not a sign of weakness. No, it is a sign of strength,” aniya.

Iginiit ng obispo na nagiging bukas ang tao sa higit na pagkilos ng Espiritu Santo kapag natututuhang talikuran ang labis na pagkapit sa sariling kagustuhan at ipaubaya sa Diyos ang direksiyon ng buhay.

Pinaalalahanan ng pastol ang bawat isa na ang bawat mananampalataya ay templo ng Espiritu Santo, na patuloy na gumagabay, nagpapalakas, umaaliw, at nagbibigay-liwanag sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya.

Hinimok ni Bishop Cabrera ang mga kalahok na patuloy na manalangin para sa isa’t isa at magdamayan sa pagdadala ng mga pasanin, lalo na sa kanilang sama-samang paglilingkod sa pagtatatag ng Kaharian ng Diyos.

Si Bishop Cabrera ay kabilang sa 165 delegado sa conference kasama ang mga pari na itinalagang spiritual directors ng mga charismatic groups at mga lay leaders.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 10,715 total reads

 10,715 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 58,587 total reads

 58,587 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 162,535 total reads

 162,535 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 248,647 total reads

 248,647 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 318,317 total reads

 318,317 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top