Kilos-protesta laban sa Pax Silica, naging matagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 316 total reads

Itinuturing ng Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KATRIBU) na tagumpay ang isang linggong protesta laban sa Pax Silica, ngunit nagbabala itong hindi pa tapos ang laban ng mga katutubo dahil nagpapatuloy ang mga proyektong nagbabanta sa kanilang lupain at kabuhayan.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Funa-ay Claver, secretary-general ng KATRIBU, na naging mahalaga ang kanilang pagkilos sa Maynila upang maiparating sa pamahalaan ang pagtutol ng mga katutubo sa naturang kasunduan.

Kabilang sa mga naging panawagan nila ang pagpigil sa paglagda nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa Pax Silica agreement.

Bagama’t ikinatuwa ng grupo ang pahayag na walang naging paglagda sa kasalukuyang panahon, iginiit ni Claver na hindi ito nangangahulugang tuluyan nang naibasura ang kasunduan.

Ayon kay Claver, nararanasan na ng mga komunidad ng Aeta sa Capas, Tarlac ang epekto ng mga proyektong iniuugnay sa Pax Silica kahit wala pang pormal na paglagda sa kasunduan.

Kabilang dito ang road widening na umano’y nagresulta sa pagkakahukay sa kanilang mga libingan, gayundin ang mga abiso ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na paalisin ang ilang katutubong pamilya bago matapos ang Disyembre, nang walang nakasaad na kompensasyon.

Kinuwestiyon din niya ang kawalan umano ng malinaw na relokasyon para sa mga maaapektuhang pamilya.

Aniya, posibleng ilipat sila sa Sitio Kalangitan at Binayag, na nagsisilbi na ring relocation site ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa New Clark City.

“Doon po sa Capas, Tarlac ay sinimulan na po ang mga development na projects in regards to Pax Silica. So kahit naman wala pa ‘yan ‘yung signing na ‘yan ay nararanasan na ng ating mga kapatid na Aeta ‘yung ano road widening, ah at nahukay ‘yung kanilang burial grounds para sa mga road widening na ito in regards to Pax Silica. Tapos ‘yung eviction hindi pa rin naman binabawi ng BCDA ‘yung notice nila na kailangan by the end of December ay nakaalis na daw sila do’n sa with no compensation.” Ayon pa kay Claver.

Hinimok din ni Claver ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gampanan ang tungkulin nitong pangalagaan ang kalikasan at magsagawa ng sariling masusing pag-aaral sa posibleng epekto ng Pax Silica.

“Very clear po ang research studies kung anong gagawin ng Pax Silica. Papatagin niya ang bundok, matutuyo ‘yung ilog, ang very same ilog na pinanggalingan ng tubig para sa pang-inom, para sa agrikultura,” Ani Claver.

Binigyang-diin ng KATRIBU na hindi lamang mga residente ng Capas ang posibleng maapektuhan, kundi maging ang mas malawak na kapaligiran dahil sa mga epekto ng malalaking data center at kaugnay na imprastraktura.

Sa bahagi ng Simbahan, ang anumang proyektong pangkaunlaran ay dapat kumilala sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno, pangalagaan ang kalikasan at tiyaking hindi isinasakripisyo ang kabuhayan at dignidad ng mga komunidad para sa interes ng negosyo, sapagkat ang tunay na pag-unlad ay dapat nakaugat sa katarungan at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 96,203 total reads

 96,203 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 181,586 total reads

 181,586 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 245,425 total reads

 245,425 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 325,802 total reads

 325,802 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 404,375 total reads

 404,375 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top