Hindi labanan ng Muslim at Kristiyano ang digmaan sa Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 744 total views

Higit na apektado ang mga Muslim sa nagaganap na kaguluhang kagagawan ng Maute Group.

Ito ang binigyan diin ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña dahil 10-porsiyento lamang ng mahigit sa 300-libong populasyon ang mga Kristiyano na naninirahan sa lungsod.

Nilinaw rin ng Obispo hindi dapat iugnay ang karahasan dulot ng Maute group laban sa mga Muslim bagama’t ang mga bandido ay kanilang kalahi.

“Yung relasyon natin sa majority of the Muslim are sweet loving. Kaya sabi ko we have to distinguish. We will not generalize kasi sa situation like this lalo na kapag, dati mayroon tayong mga biases and prejudices against them. Minsan gini-generalize natin ang gumawa nito. Alam natin ang gumawa nito ay mga extremist. Hindi rin katanggap tanggap sa mga Muslim. In fact, they are condemning what they did to our church, what they did to some schools,” ayon kay Bishop Dela Peña sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Ayon pa kay Bishop Dela Peña, marami sa mga Muslim partners sa dialogue ay pare-pareho ang layunin para i-develop ang komunidad at patatagin ang relasyon sa pamamagitan ng interfaith dialogue.

Inihayag ng Obispo na bunsod ng Marawi siege ay lalo pang umigting ang pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa ng mga Kristiyano sa mga Muslim.

Naniniwala ang Obispo na ang pangyayari ay hindi isang pag-uusig sa mga kristyano, kundi pagpaslang sa ating kapwa Filipino.

Naniniwala naman si Iligan Vice Mayor Jemar Veracruz na hindi labanan sa pagitan ng Muslim at Kristiyano ang nagaganap na digmaan sa Marawi City.

Giit ni Veracruz, matagal ng may ugnayan ang mga religious leaders ng magkabilang grupo at nabubuhay ng magkasama sa kabila ng pagkakaiba.

Sa kabila ng kaguluhan, umaasa ang Obispo na matatapos din ang paghihirap sa tulong na rin ng mga taong nagmamalasakit.

Sa isang panalangin, nagpapasalamat pa rin si Bishop Dela Peña sa Panginoon at umaasang magtatapos na ang kaguluhan sa lalong madaling panahon para sa muling pagbangon ng Marawi.

(Prayer) “God our loving Father, We thank you for each new day that You have given us. Nagpapasalamat kami sa magandang umagang binigay niyo sa amin. Very quiet ang aming kapaligiran sa ngayon at ito ay… we take this, tinatanggap namin ito bilang pahiwatig na sana ang araw na ito ang magdadala sa amin ng magandang balita tungkol sa kaganapan sa Marawi na sana matigil na ang kaguluhan doon. Matigil na ang giyera at makabalik na tayo sa dating pamumuhay na mapayapa at sana lahat tayong mga Filipino na nagmamahal sa kalayaan ay manalangin din para maibalik sa atin ang tunay na kalayaan. Maging malaya tayo sa ganitong karahasan. Maging malaya tayo sa pangangamba, sa takot at sa ganitong pangangamba natin tungkol sa mga terorista. Magiging ligtas tayo sa mga panganib at iba pang mga natural na kalamidad. Panginoon, ito ang aming dasal. Ito ang aming panalangin sa inyo na sana maibalik na sa amin yung kapayapaan na handog ninyo para sa amin. Sana gabayan niyo po kami sa aming pagsisikap na maibalik ang katahimikan at kapayapaan sa aming lugar.”panalangin ni Bishop dela Pena.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 37,117 total views

 37,117 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 111,731 total views

 111,731 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 191,810 total views

 191,810 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 234,949 total views

 234,949 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 233,808 total views

 233,808 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top