1,143 total views
Ito ang tiniyak ni Iligan Bishop Elenito Galido bagamat pinakamalapit ang lungsod sa Marawi City kung saan nagaganap ang kaguluhan.
Inihayag ni Bishop Galido na ang Iligan City din ang nagsisilbing evacuation centers ng mga residenteng nagsilikas sa Marawi dahil sa labanan.
Una na ring ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa Martial Law ng buong Mindanao – ang ikalawa sa pinakamalaking isla sa Pilipinas na sumasakop sa 25 lalawigan at 27 lungsod kabilang na ang Iligan.
“We feel that we are secured, at least yung fear of the people sa mga rivals of the Maute groups at least restrained very well. Binabantayan ang mga lagusan may mga checkpoint to prevent na mapasok ng bad elements,” pahayag ni Bishop Galido sa Radio Veritas.
Ayon kay Bishop Galido, maraming sundalo at pulis ang mga nagbabantay sa Iligan upang matiyak na hindi makapasok ang mga terorista o miyembro ng Maute group.
“Binabantayan kami ng PNP sundalo, napapaligiran kami ng mga security people, we have also our security measures like ung mga security personnel naming sa mga simbahan at saka ang mga tao ay binibigyan namin ng instruction na whoever na suspicious at whatever is suspicious should be immediately reported to the authority,” ayon pa sa pahayag ng Obispo.
Ang Iligan ay may 37 kilometro ang layo mula sa Marawi kung saan karamihan ng higit sa 200 libong nagsilikas na residente ay dito nagtutungo para makipanirahan sa kanilang mga kamag-anak bukod pa sa 63 evacuation centers ng pamahalaan.
Kumpara sa Marawi City na mayorya ang mga Muslim, ang Diocese ng Iligan ay binubuo ng higit sa isang milyong populasyon kung saan 60 porsiyento ay mga Kristiyano.
Inamin naman ng Obispo na kakaunti sa ngayon ang nagsisimba tuwing araw ng Linggo dahil sa takot ng mga mamamayan na lumabas ng tahanan.
“People don’t want to go out at this time,” ayon kay Bishop Galido.