Pagsabuhay sa Laudato Si, magliligtas sa mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 418 total views

Binigyang diin ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na ang pagtupad sa mga nasasaad sa Laudato Si ang makapagliligtas sa mundo mula sa pagkasira ng kalikasan. Ayon sa Obispo, kinakailangang matutunan ng mga tao na kontrolin ang paggamit ng mga fossil fuels at labis na pagkakalat upang maiwasan ang pagkawala ng balanse sa kapaligiran at mapigilan ang unti-unting pagtaas ng temperature sa daigdig dulot ng Climate Change.

“Yung Laudato Si ay napakahalaga sapagkat ang sinisikap nito na mailigtas ang ating mundo, sapagkat sa kagagawan na rin ng mga tao ay nanganganib ang mundo. Alam n’yo naman na itong climate change ayon sa mga siyentista hindi naman po galing sa mga pari, kung hindi tayo magko-kontrol ng paggamit sa mga fossil fuels at pagdudumi sa mundong ito. Tayo ay babalikan at sa bandang huli tayo rin ang mahihirapan at maraming malilipol na mga bansa, mga tao,” pahayag ni Bishop Bacani.

Dagdag pa ng Obispo, kinakailangang pagsikapan ng tao na arugain ang kalikasan at magpakita ng pagmamahal sa nilikha upang bumalik ang kalinisan at kagandahan nito.

Samantala sa kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ng Panginoon kasabay ng ikalawang anibersaryo ng Laudato Si, hinimok ng Obispo ang mga mananampalataya na tularan ang ipinamalas na pagmamahal ng Panginoon sa sanlibutan at ang pangangalagang ibinigay nito sa kalikasan.

Binigyang diin ng Obispo na sa Corpus Christi ay ninanais ni Hesus na maging kadiwa ang mga tao upang ang bawat kilos nito ay kakikitaan ng pagmamahal at malasakit, at ang bawat mananampalataya ay makapamuhay ng may kabanalan tulad ng pamumuhay ni Hesus sa mundo.

Magugunitang Noong ika 24 ng Mayo 2015 nilagdaan ni Pope Francis ang encyclical na Laudato Si, at naisapubliko ito noong ika 18 ng Hunyo 2015.

Una itong nailathala sa mga wikang Italian, German, English, Spanish, French, Polish, Portuguese at Arabic. Samantala sa kasalukuyan, naisalin na rin sa Filipino ang aklat na Laudato Si na patungkol sa tamang pangangalaga sa kalikasan.

Ito ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei.

Sa ikalawang taong anibersaryo ng Laudato Si, lumagda sa isang pledge o pangako ang iba’t-ibang sektor sa bansa na isabuhay ang pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 21,334 total views

 21,334 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 91,447 total views

 91,447 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 166,061 total views

 166,061 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 246,139 total views

 246,139 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 288,412 total views

 288,412 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 349,673 total views

 349,673 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top