Pangungulila sa isang “Jose”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Mga Kapanalig, mag-iisang buwan na nang sumiklab ang gulo sa Marawi City at hindi pa rin ito humuhupa. Habang isinusulat ang editoryal na ito, daan-daan na ang namatay: 58 na sundalo’t pulis, 26 na sibilyan, at 202 kasapi ng armadong grupo. Ilan kaya sa kanila ang mga ama na hindi na umabot sa pagdiriwang ng Father’s Day kahapon? Ilan kaya sa kanila ang may asawa’t mga anak na umiiyak at nangungulila ngayon?

Marami sa atin ang nagdiwang ng Father’s Day kahapon, at napapanahong balikan natin ang mabigat ngunit masayang tungkulin ng pagiging isang ama, isang papel na hindi na magagampanan ng mga nasawing tatay sa bakbakan sa Marawi. Tingnan natin si San Jose, ang tumayong ama ni Hesus dito sa lupa at kabiyak ni Maria, ngunit halos walang naikuwento tungkol sa kanya sa mga Ebanghelyo. Gayunman, sa likod ng katahimikang ito ay isang amang nagtaguyod ng kanyang pamilya upang magampanan ni Hesus ang kanyang misyong tubusin tayong lahat sa ating mga kasalanan.

Una, si Jose ay isang tagapagtanggol. Nang utusan ng Diyos, sa pamamagitan ng isang anghel, si Jose na dalhin sa Ehipto ang sanggol na si Hesus at si Maria upang makatakas kay Herodes, agad siyang sumunod. Bilang ama ni Hesus, sinunod niya ang wika ng anghel at iniwan ang kanyang kabuhayan sa Judea upang ilayô ang kanyang anak sa kapahamakan.

Ikalawa, si Jose ay isang matapat na katuwang. Mula nang magdalantao si Maria hanggang sa maipanganak at lumaki si Hesus, hindi iniwan ni Jose si Maria. Noong biglang nawala ang batang Hesus, tatlong araw siyang hinanap nina Maria at Jose hanggang sa matagpuan nga nila siya sa templo. Ganoon na lamang marahil ang pagkabalisa nila sa pagkawala ng kanilang anak, at kung wala si Jose, mag-isang pagdaraanan ni Maria ang mabigat na karanasang iyon.

Panghuli, si Jose ay isang tagapagtustos. Bagama’t Diyos, si Hesus ay nabuhay bilang tao at tulad natin ay may mga pangangailangan siyang tinustusan ni Jose sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang karpintero o manggagawa. Katulad ng mga responsableng ama sa panahon natin ngayon, itinaguyod ni Jose ang kanyang pamilya gamit ang sipag at tiyaga. Si Jose nga ang masasabi nating halimbawa ng isang mabuting haligi ng tahanan.

Mga Kapanalig, itinuturo sa atin ng ating Simbahan na ang pamilya ay ang duyan ng buhay at pag-ibig. Sa duyan na ito natin natutunan ang pag-ibig at katapatan ng Diyos, at ang pangangailangang tumugon sa mga ito. Sa duyang ito nagsisimula ang paghubog natin sa ating mga potensyal, ang pagkamulat natin sa ating angking dignidad, at ang paghahanda sa pagharap natin sa kinabukasan. Sa magkabilang dulo ng duyang ito, naroon ang ating mga ama’t ina.

Ngunit para sa mga naiwan ng mga amang nasawi sa gulo sa Marawi, malaking hamon ang panatilihing matatag ang pinagkakapitan ng duyang ito. Sundalo man o pulis, inosenteng sibilyan man o kasama sa mga kumapit sa patalim, ang mga tatay na nasawi sa gulo sa Marawi ay tiyak na inisip ang kapakanan ng kanilang mga pamilya. Makikita natin sa mga namayapang sundalo’t pulis ang tapang upang protektahan ang kanilang mga anak sa isang magulong kinabukasan. Tiyak ding sa panig ng mga kalaban ng pamahalaan, mayroong mga amang napilitang umanib sa armadong grupo upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, bagamat ikinalulungkot nating humantong iyon sa pagkakasangkot nila sa terorismo. At sa pagkawala ng mga amang katulad ni “Jose” dahil sa gulo sa Marawi, nawalan ng kaagapay ang kanilang mga kabiyak upang hubugin at itaguyod ang kanilang mga anak.

Mga Kapanalig, hindi lamang mga buhay ang nawawala sa patuloy na bakbakan sa Marawi; maraming pamilya rin ang nasisira. Nawa’y malutas na ang gulo sa Marawi sa lalong madaling panahon nang hindi na madagdagan pa ang mga bata at asawang nangungulila sa isang Jose.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,453 total reads

 6,453 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,708 total reads

 41,708 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,192 total reads

 78,192 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,403 total reads

 96,403 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 180,390 total reads

 180,390 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 6,454 total reads

 6,454 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,709 total reads

 41,709 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 78,193 total reads

 78,193 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 96,404 total reads

 96,404 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top