Sambayanang Filipino, hinimok na lumagda sa Laudato Si Pledge

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 376 total views

Hinimok ni Father John Leydon, convenor ng Global Catholic Climate Movement ang mga Filipino na lumagda sa Laudato Si Pledge ngayong ikalawang anibersaryo ng encyclical ni Pope Francis na Laudato Si.

Ipinaliwanag ng Pari na ang “Laudato Si Pledge” ay pangako sa kalikasan na tayo ay mamumuhay ng may pakialam at may malasakit sa ating kapaligiran at sa susunod pang henerasyon na makikinabang dito.

Bahagi rin nito ang pananalangin para sa patuloy na pagyabong ng san nilikhang nagbibigay ng buhay sa bawat nilalang, aktibong pagsasabuhay at pakikibaka para sa adbokasiya na protektahan ang kalikasan.

Kaugnay dito, ngayong sabado ika-17 ng Hunyo, inaanyayahan ang lahat na dumalo sa paglulunsad ng Laudato Si Pledge sa La Consolacion College Manila Auditorium, Mendiola St., San Miguel, Manila, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

“Inaanyayahan ng Global Catholic Climate Movement Pilipinas [ang bawat isa] na dumalo sa isang napakahalagang activity, ito ay ang Launching ng Laudato Si Pledge kung saan yung mga tao, [will] give their commitments na isabuhay ang pagtuturo ng ating mahal na Papa na si Pope Francis sa pagsabuhay at pagtutupad ng mga turo niya sa Encyclical na Laudato Si,”imbitasyon ni Father Leydon.

Libre at walang kinakailangang registration fee ang programa na sisimulan sa pamamagitan ng Banal na Misa sa pangunguna ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. na susundan ng pagpapalalim ng pag-unawa sa Encyclical na Laudato Si’ at ang hamon ng Santo Papa sa bawat indibdwal na mahalin at arugain ang nag-iisa nating tahanan.

Inaasahan ding dadalo sa pagtitipon ang Founder at Executive Director of Global Catholic Climate Movement na si Tomas Insua.

Ang Laudato Si ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei.

Gayunman, ito ang itinuturing na kauna-unahang encyclical na patungkol sa tamang pangangalaga sa Kalikasan.

READ: http://www.veritas846.ph/pagsabuhay-sa-laudato-si-magliligtas-sa-mundo/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 22,265 total views

 22,265 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 92,378 total views

 92,378 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 166,992 total views

 166,992 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 247,070 total views

 247,070 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 289,288 total views

 289,288 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 349,704 total views

 349,704 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top