Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangungulila sa isang “Jose”

SHARE THE TRUTH

 248 total views

Mga Kapanalig, mag-iisang buwan na nang sumiklab ang gulo sa Marawi City at hindi pa rin ito humuhupa. Habang isinusulat ang editoryal na ito, daan-daan na ang namatay: 58 na sundalo’t pulis, 26 na sibilyan, at 202 kasapi ng armadong grupo. Ilan kaya sa kanila ang mga ama na hindi na umabot sa pagdiriwang ng Father’s Day kahapon? Ilan kaya sa kanila ang may asawa’t mga anak na umiiyak at nangungulila ngayon?

Marami sa atin ang nagdiwang ng Father’s Day kahapon, at napapanahong balikan natin ang mabigat ngunit masayang tungkulin ng pagiging isang ama, isang papel na hindi na magagampanan ng mga nasawing tatay sa bakbakan sa Marawi. Tingnan natin si San Jose, ang tumayong ama ni Hesus dito sa lupa at kabiyak ni Maria, ngunit halos walang naikuwento tungkol sa kanya sa mga Ebanghelyo. Gayunman, sa likod ng katahimikang ito ay isang amang nagtaguyod ng kanyang pamilya upang magampanan ni Hesus ang kanyang misyong tubusin tayong lahat sa ating mga kasalanan.

Una, si Jose ay isang tagapagtanggol. Nang utusan ng Diyos, sa pamamagitan ng isang anghel, si Jose na dalhin sa Ehipto ang sanggol na si Hesus at si Maria upang makatakas kay Herodes, agad siyang sumunod. Bilang ama ni Hesus, sinunod niya ang wika ng anghel at iniwan ang kanyang kabuhayan sa Judea upang ilayô ang kanyang anak sa kapahamakan.

Ikalawa, si Jose ay isang matapat na katuwang. Mula nang magdalantao si Maria hanggang sa maipanganak at lumaki si Hesus, hindi iniwan ni Jose si Maria. Noong biglang nawala ang batang Hesus, tatlong araw siyang hinanap nina Maria at Jose hanggang sa matagpuan nga nila siya sa templo. Ganoon na lamang marahil ang pagkabalisa nila sa pagkawala ng kanilang anak, at kung wala si Jose, mag-isang pagdaraanan ni Maria ang mabigat na karanasang iyon.

Panghuli, si Jose ay isang tagapagtustos. Bagama’t Diyos, si Hesus ay nabuhay bilang tao at tulad natin ay may mga pangangailangan siyang tinustusan ni Jose sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang karpintero o manggagawa. Katulad ng mga responsableng ama sa panahon natin ngayon, itinaguyod ni Jose ang kanyang pamilya gamit ang sipag at tiyaga. Si Jose nga ang masasabi nating halimbawa ng isang mabuting haligi ng tahanan.

Mga Kapanalig, itinuturo sa atin ng ating Simbahan na ang pamilya ay ang duyan ng buhay at pag-ibig. Sa duyan na ito natin natutunan ang pag-ibig at katapatan ng Diyos, at ang pangangailangang tumugon sa mga ito. Sa duyang ito nagsisimula ang paghubog natin sa ating mga potensyal, ang pagkamulat natin sa ating angking dignidad, at ang paghahanda sa pagharap natin sa kinabukasan. Sa magkabilang dulo ng duyang ito, naroon ang ating mga ama’t ina.

Ngunit para sa mga naiwan ng mga amang nasawi sa gulo sa Marawi, malaking hamon ang panatilihing matatag ang pinagkakapitan ng duyang ito. Sundalo man o pulis, inosenteng sibilyan man o kasama sa mga kumapit sa patalim, ang mga tatay na nasawi sa gulo sa Marawi ay tiyak na inisip ang kapakanan ng kanilang mga pamilya. Makikita natin sa mga namayapang sundalo’t pulis ang tapang upang protektahan ang kanilang mga anak sa isang magulong kinabukasan. Tiyak ding sa panig ng mga kalaban ng pamahalaan, mayroong mga amang napilitang umanib sa armadong grupo upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya, bagamat ikinalulungkot nating humantong iyon sa pagkakasangkot nila sa terorismo. At sa pagkawala ng mga amang katulad ni “Jose” dahil sa gulo sa Marawi, nawalan ng kaagapay ang kanilang mga kabiyak upang hubugin at itaguyod ang kanilang mga anak.

Mga Kapanalig, hindi lamang mga buhay ang nawawala sa patuloy na bakbakan sa Marawi; maraming pamilya rin ang nasisira. Nawa’y malutas na ang gulo sa Marawi sa lalong madaling panahon nang hindi na madagdagan pa ang mga bata at asawang nangungulila sa isang Jose.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,634 total views

 25,634 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,722 total views

 41,722 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,387 total views

 79,387 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,338 total views

 90,338 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 32,151 total views

 32,151 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 25,635 total views

 25,635 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,723 total views

 41,723 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,388 total views

 79,388 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,339 total views

 90,339 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,850 total views

 92,850 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 93,577 total views

 93,577 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 114,366 total views

 114,366 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,827 total views

 99,827 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,851 total views

 118,851 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top