Pagpapalaya kay Father Suganob, ipinauubaya ng Prelatura ng Marawi sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total reads

Ipinapaubaya ng Simbahang Katolika sa pamahalaan ang ginagawang operasyon sa Marawi City maging sa mga hawak na bihag ng Maute group kabilang na ang paring si Fr. Chito Suganob.

Ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña, bagama’t natutuwa silang malaman na ligtas at buhay ang paring bihag ay wala silang magagawa kundi maghintay na mapalaya ito kasama ang iba pang bihag na pawang mga manggagawa rin ng St. Mary’s Cathedral.

“Natutuwa tayo diyan, that’s good news for us, well hindi lang naman si Father Chito. We should not forget na marami siyang kasama, at mga kilala namin yon kasama din namin sa bahay,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, nilinaw ni Bishop Dela Peña na hindi kabilang ang Simbahan para magsagawa ng negosasyon sa armadong grupo na bumihag kay Fr. Suganob at ilan pang church workers.

“Kasi nasa gobyerno yan, its in the government’s call, to decide to enter to negotiation or not. Alam natin na simula’t sapul ay ayaw nilang makipag- negotiate. In fact I don’t want to talk about it, kung may mangyayaring mga ganyan let it be in the open, ayokong pangunahan, kasi ang ating ang pinoprotektahan yung kapakanan ng ating mga bihag na ating mga kapatid.”pahayag ni Bishop Dela Pena.

Ang reaksyon ay kasunod na rin ng ulat na palalayain si Fr. Suganob kapalit ng mga magulang ng Maute brothers na sina Cayamora at Farhana Maute na nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Giit pa ng Obispo, hindi lamang ito usapin ng kaligtasan ng pari kundi maging ng iba pang bihag na hawak ng mga terorista.

“So, maghintay lang tayo kung ano ang susunod na hakbang ng gobyerno. The the ball is in their court,” dagdag pa ng Obispo.

Sa kasalukuyan ay higit na sa isang buwan ang kaguluhan sa Marawi kung saan naitala na ang higit sa 300 libong indibidwal ang lumikas mula sa kaguluhan at higit na rin sa 300 katao ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,289 total reads

 47,289 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 97,022 total reads

 97,022 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,893 total reads

 144,893 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,842 total reads

 248,842 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,547 total reads

 332,547 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top