Islam, dinungisan ng mga bandido

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 667 total reads

Binibigyang dungis ng mga bandidong grupo ang kanilang pananampalatayang Islam dahil sa ginagawang paglapastangan sa mga imahe at pook dalanginan ng mga Krisitiyano.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, bagama’t karamihan sa mga kapatid nating Muslim ay mabubuti, nadudungisan ng ilang ‘extremist’ ang kanilang hangarin tungo sa kapayapaan dahil sa mga gawain ng mga ito na hindi naman sang-ayon sa katuruan ni Allah.

Unang sinira ng Maute group ang mga religious image sa St. Mary’s cathedral sa Marawi at mga imahe ng santo at consecrated hosts sa San Jose chapel sa Pigcawayan.

Sinabi ng Arsobispo na hindi natin maaring itumbas ang maliit na bilang ng mga extremist sa bilang ng mga mabubuting tagasunod ni Allah, kaya’t mahalagang maipaalala sa kanila na ang kapayapaan ang nais ni Allah at hindi digmaan.

“Kaya we could not equate this to the whole Muslim, kasi extremist sila they don’t have…ang gusto lang nila Islam lang. Pero karamihan sa mga kapatid nating Muslim ay mga mabubuting mga tao. Ito pong mga extremist they are giving bad color to our brother Muslim,”ayon kay Archbishop Jumoad.

Ipinaabot ni Archbishop Jumoad sa kapatid na Muslim na kaisa nila ang Simbahang Katolika sa pagsusulong ng kapayapaan.

“We continue to say that we are one with our Muslim brothers and sisters with the context of pursuing peace because I know they are really yearning for peace and in fact they want that this battle will end in Marawi.”pahayag ni Archbishop Jumoad.

Una na ring kinondena ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ang ginawang paglapastangan sa San Jose Chapel sa Malagakit Pigcawayan, North Cotabato na aniya’y katumbas din ng paglapastangan Qur’an at pook sambahan ng mga Muslim na kapwa di katanggap tanggap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,188 total reads

 47,188 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,929 total reads

 96,929 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,800 total reads

 144,800 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,749 total reads

 248,749 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,460 total reads

 332,460 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top