Digmaan sa Marawi, matatapos bago mag-expire ang Martial law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 554 total views

Maaring tumagal pa ang digmaan sa Marawi City sa pagitan ng Maute group at tropa ng pamahalaan.

Ito ayon kay University of the Philippines Professor Ramon Casiple sa kabila ng sinasabi ng mga militar na kakaunti na lamang ang mga miyembro ng Maute na nasa lungsod.

Ayon kay Casiple, ito na ang pinakadelikadong bahagi sa bakbaksan lalu’t hindi maaring gamitin ang mga malalakas na armas dahil kinakailangan bahay-bahayin ang mga kinaroroonan ng mga bandido.

Dagdag pa rito ang mga sibilyan na nanatiling nasa kanilang mga tahanan at hindi makalabas.

Dahil dito, hindi rin maiiwasan na madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi hangga’t hindi natatapos ang digmaan.

Samantala, nagpaabot ng pagsaludo at pagpupugay sa Armed Forces of the Philippines si Former National Security Adviser Roilo Golez sa patuloy na opensiba laban sa mga terorista sa Marawi City.

Ayon sa dating opisyal, malaki ang nagawa ng A-F-P para sugpuin ang Maute group.

Tiwala si Golez na tuluyang mababawi ng A-F-P ang Marawi bago mag-expired ang 60-day Martial law sa Mindanao.

Sa tala ng Armed Forces of the Philippines noong ika-23 ng Hunyo, umabot na sa 375 ang bilang ng mga nasawi sa gitna ng bakbakan.

Sa bilang na ito nasa 69-na mga sundalo at pulis ang nasawi, 26 na sibilyan habang 280 ang napatay sa panig ng teroristang grupo.

Nauna nang kinilala at pinanalangin ng Military Ordinariate of the Philippines ang mga maituturing na bayani na mga sundalo at pulis na namatay, sugatan at patuloy na lumaban para sa pangkabuuang kapayapaan ng buong Mindanao.

Sa mensahe ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, umaasa ito na mananatili pa rin ang kapayapaan sa pagitan ng Muslim at mga Kristiyano sa kabila ng paglusob ng mga bandido sa Muslim City ng Marawi lalut ang digmaan ay kapwa kinokondena ng mga tunay na Muslim at Kristiyano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 112,597 total views

 112,597 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 156,205 total views

 156,205 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 237,878 total views

 237,878 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 245,563 total views

 245,563 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 11,367 total views

 11,367 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top