Simbahan, naghatid ng tulong sa Marawi bakwits

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total views

Hindi hadlang sa mga Kristiyano ang pagkakaiba ng pananampalataya para tulungan ang Marawi bakwits.

Ito ang pinatunayan ng Diocese of Iligan, Caritas Manila at Radyo Veritas matapos magtungo at maghatid ng tulong sa mga evacuation center sa Iligan city gayundin para alamin ang pangangailangan ng mga bakwits.

Ayon kay Rev.Fr. Ricardo Valencia, priest minister ng Caritas Damayan Program ng Caritas Manila, patuloy ang pangangailangan ng mga nagsilikas dahil sa kaguluhan sa Marawi kaya’t magpapatuloy din ang Simbahan sa
pag-agapay sa kanila.

“We need to continue our efforts to help our brothers and sisters who are affected by this unfortunate event.”pahayag ni Father Valencia

Sa panayam ng Radyo Veritas, inihayag ni Sr. Betsy Espana, isa sa mga in charge sa evacuation assistance ng Diocese of Iligan na maliban sa pagkain ay suliranin ngayon ng mga bakwits ang mga personal na pangangailangan gaya
ng undergarments, hygiene kits, tuwalya at mga higaan.

“Bukod sa food items may mga pangangailangan sila na kailangan din bigyan pansin lalo na’t nagtatagal na sila
sa mga evacuation center” pahayag ni Sr. Espana.

Kaugnay nito, inihayag ni Rev. Father Anton Pascual, executive Director ng Caritas Manila na muling magpapadala ang social arm ng Archdiocese of Manila ng P500 libong piso para sa relief and rehabilitation ng mga nagsilikas na residente.

“We (Caritas Manila) have another P500 thousand for relief and rehab” mensahe ni Fr. Pascual na siya ring Pangulo ng Radyo Veritas.

Naunang nagpadala ng 500-libong pisong tulong at 100-sako ng bigas ang Caritas Manila para sa mga lumikas
na resident eng Marawi.

Read: Obispo ng Marawi, labis ang pasasalamat sa cash at rice donations ng Caritas Manila

Batay sa datos, aabot sa 3,463 Pamilya ang nananatili sa iba’t-ibang evacuation Camps sa Iligan habang nasa mahigit 11 libo ang nakituloy sa kanilang mga kaanak o homebased IDP’s.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 112,628 total views

 112,628 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 156,236 total views

 156,236 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 237,909 total views

 237,909 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 245,588 total views

 245,588 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 78,475 total views

 78,475 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top