Incomplete grade para kay PD30- PCPR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total reads

‘Incomplete’ ang ibibigay na grado ng Promotion of Church People’s Response (PCPR) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa unang taong panunungkulan nito bilang pinuno ng bansa.

Ayon kay PCPR secretary general Nardy Sabino, marami pang hinihintay ang taong bayan na pagbabago na pangako ng pangulo, bagama’t may ilang agam-agam sa pagiging tila pasista o militarist nito.

“Mixed-up. Incomplete, hinanahabol mo pa kung tutuparin nya ang pangako nya. Kailangan pang patuloy na hamunin ang administrasyon na ito na tumindig para sa mamamayan,” ayon kay Sabino.

Aniya: “Yung tipo na na ang hirap ipasa, hindi mo rin naman maibagsak. Kung baga pag-teacher ka…kapag nawala sa klase mo, sayang. Pag-ipinasa mo naman kaagad, nakakatakot.”

Pinakamababa namang grado ng pangulo ayon pa kay Sabino ay ang human rights.

Gayunman, sinabi ni Sabino na kumpara sa nakaraang administrasyon ang Pangulong Duterte ay nakikiharap sa mga magsasaka at mga maralita na direkta ring nakinabang sa pamamahagi ng lupa at mga bahay.

“In terms of agrarian reform first time yun, yung mga magsasaka na nagwewelga nilabas ng presidente. First time yun sa history ng Pilipinas at kahit paano ay may naibigay sa mga magsasaka. First time rin na binigyan ng presidente ng massive housing yung nag-occupy na Kadamay. Unlike sa previous regime ang nakikita ay yung demolition,” ayon kay Sabino.

Gayunman, dagdag pa nito: Ang kailangan nya na makita ay yung pinangakuan nya ng pagbabago. Ang mga mahihirap na tinanggalan ng dangal noong nakaraang administrasyon. Ito yung urban poor, mga magsasaka na habang binibigyan nya ng habay, pagkakalooban ng lupa, ito rin ang pinapatay nya dahil sa war on drugs, dahil sa martial law. Ito rin yung bina-violate nya yung karapatang pantao.

Ang Pangulong Duterte ang ika-16 na pangulo ng bansa at kauna-unahang Pangulo na mula sa Mindanao.

Una na ipinapaalala sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco na ang isang pinuno na hindi marunong magmahal ay hindi makakapamahala, dahil hindi maaring mamamahala ang hindi nagmamahal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 27,355 total reads

 27,355 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 107,505 total reads

 107,505 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 201,731 total reads

 201,731 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 262,220 total reads

 262,220 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 274,719 total reads

 274,719 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top