Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Chastity at hindi condom, ang tugon sa lumalaking bilang ng HIV case sa bansa

SHARE THE TRUTH

 205 total views

Nababahala na ang Filipinos for Life (F4L)s a tumataas na bilang ng mga may HIV lalu na sa kabataan o tinatawag na millennials.

Ayon kay Anthony James Perez ng F4L, alam ng lahat na karaniwan na nakukuha ang virus sa pakikipagtalik–kabilang na ang premarital sex, at pakikipagtalik sa kapwa lalake.

Giit ni Perez, ito ay isang patunay na dapat pang paigtingin ang kampanya, hindi sa pamamahagi ng condom kundi ang pagtuturo sa kabataan ng ‘chastity’ –ang kadalisayan o ang pagpipigil sa tawag ng laman lalo na’t hindi pa kasal at ang pagiging tapat sa asawa.

“Para sa akin, ito ay patunay na kailangan pa nating paigtingin ang pamamahagi hindi ng condoms kundi ng values sa kabataan. Ang edukasyon sa Chastity, o kadalisayan ng puso at ang pag-gamit ng sex sa kasal at ang pagiging tapat sa iyong asawa, ay ang sagot sa lumalalang kaso ng HIV,” ayon kay Perez.

Sinabi pa niya, matagal ng may kampanya ang pamahalaan sa paggamit ng condom subalit hindi pa rin nito nalulutas ang problema sa patuloy na pagdami ng may HIV.

Naniniwala rin ang grupo na dapat maging mabuting ehemplo ang mga nakatatanda sa paggalang sa sakramento ng kasal na aniya’y tutularan din ng mga bata.

Dagdag pa ni Perez: Ang tagal na panahon nang sinasabihan ng gobyerno ang mga kabataan na gumamit ng condom, pero bakit tumataas pa rin ang HIV? Kung walang magsesex sa labas ng kasal, halos walang HIV na maipapasa. Nasa sa ating mga matatanda rin ang susi. If we live chaste lives, young people will follow.

Naniniwala rin si Eric Manalang ng ProLife Philippines, hindi nakatulong sa pagpigil sa pagdami ng kaso ng HIV ang pagkakapasa ng Reproductive Health bill.

Sinabi ni Manalang, dapat ding sisihin dito ang Department of Health dahil sa pamamahagi ng libreng condom.

“HIV victims over 80% men sex with man. Culprit is use of condoms for oral & anal sex. DOH is to blame having failed to require condom biz to give high risk usage especially millennials,” ayon kay Manalang.

Base sa ulat ng DOH sa buwan ng Abril, 629 katao ang naitalang kaso ng HIV. Walumpung porsiyento sa mga ito o 513 ay pawang nasa edad 15 hanggang 34 o ang sinasabing edad ng mga millennials. Kalahati rin ng nasabing bilang ay nahawa dulot ng pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Sa buwan lamang ng Hunyo, 17 katao ang nasawi sanhi ng HIV related complication o kabuuang 172 na nasawi para sa taong 2017.

Una na ring nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang mabisang paraan para hindi kumalat ang sakit ay sa pamamagitan ng abstinence- pagiging tapat sa asawa at hindi pakikipagtalik sa hindi asawa sa halip na paggamit ng condom na hindi rin nagbibigay ng 100 porsiyentong proteksyon laban sa virus.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 29,704 total views

 29,704 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 37,185 total views

 37,185 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 50,325 total views

 50,325 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 56,298 total views

 56,298 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 62,051 total views

 62,051 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

PBBM, ipinapatigil na ang POGO

 2,300 total views

 2,300 total views Naging tampok sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , ang kasalukuyang ekonomiya ng bansa, kung saan ang inilatag na programa ng pamahalaan sa pagtulong sa mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura. Kasama na rito ang pamamahagi ng certificate of land ownership award (CLOA) at certificate

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagpapabuti ng kalagayan ng guro, mag-aaral dapat tutukan ni DepEd Sec. Angara

 9,563 total views

 9,563 total views Nais ng grupo ng mga guro na unahing tutukan ng bagong talagang kalihim ng Department of Education ang kalagayang pangkabuhayan ng mga guro sa buong bansa. Ayon kay Teachers Dignity Coalition, nawa ay bigyang tuon ni incoming DepEd Secretary Juan Edgardo Angara ang umento sa sahod at benepisyo ng mga guro. Sinabi pa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Education sector, umaasa sa pagbabagong ipapatupad ni Angara sa DepEd

 9,496 total views

 9,496 total views Umaasa ang education sector na magkakaroon ng mga pagbabago sa pamamahala ng Department of Education sa pagkakatalaga ng bagong kalihim ng kagawaran. Ayon sa panayam ng Veritas Pilipinas kay Dra. Jennie Jocson-Director, Research Institute for Teacher Quality, bagama’t hindi mula sa hanay ng mga guro si in-coming DepEd Secretary Juan Edgardo Angara ay

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte, dahilan ng pamamayagpag ng POGO sa Pilipinas

 14,356 total views

 14,356 total views Isinisi ni Senator Risa Hontiveros ang pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas dahil kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radyo Veritas, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa pamamagitan ng defacto policy ni Duterte at

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 19,680 total views

 19,680 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Bantay Bigas nanawagan sa mamamayan na manindigan laban sa ChaCha

 14,637 total views

 14,637 total views Nananawagan ang consumer group sa publiko na makiisa sa panawagan para tutulan ang isinusulong na Charter Change. Ayon kay Cathy Estabillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas wala nang maasahan ang mamamayan sakaling pagtibayin ang reporma sa 1987 Constitution na pagpapahintulot ng 100 porsiyentong pag-aari ng mga dayuhan lalo na sa mga lupain at likas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Gentleman’s agreement ng dating pangulong Duterte sa China, iimbestigahan ng Kamara

 14,811 total views

 14,811 total views Dapat mapanagot ang mga nasa likod ng sinasabing “gentleman’s agreement” sa pagitan ng China at Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo na West Philippine Sea (WPS). Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa pinagtatalunang teritoryo at ang pinakabagong banta ng China na huhulihin ang mga ‘tresspasser’ sa WPS. Ayon kay

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

“EDSA is a miracle.”

 44,951 total views

 44,951 total views Ganito isinalarawan ni Sr. Asunsion “Cho” Borromeo, FFM ang mga pangyayaring sa naganap na EDSA People Power Revolution 38-taon na ang nakakalipas. Si Sr. Borromeo ay kabilang sa mga madre na unang nagtungo at nanatili sa EDSA kasama ang iba pang mga pari at mga nagkikilos protesta. Buong-buo pa rin sa alalaala ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Mindanao secession, labag sa 1987 constitution

 36,082 total views

 36,082 total views Taliwas sa sinasaad ng Saligang Batas ang panawagang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Ito ang paalala ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez kaugnay sa isinusulong nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao de Norte Rep. Pantaleon Alvarez, lalo’t wala ring dahilan para humihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Pilipinas. “If we allow our

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Pag-alis ng senior citizen booklet, tatalakayin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

 39,818 total views

 39,818 total views Inaasahang sa mga susunod na araw ay tatalakayin na sa Mababang Kapulungan upang tanggalin ang ‘senior citizen booklet’ bilang requirement para makakuha ng diskwento ang mga nakatatanda sa kanilang pamimili. Ayon kay Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Tulfo, ipinag-utos na ng liderato ng Kamara ang pagbuo ng Technical Working Group upang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

1987 constitution, hindi maaring rebisahin sa pamamagitan ng People’s Initiative

 46,300 total views

 46,300 total views Nilinaw ng isang eksperto na hindi maaring rebisahin ang 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative. Ito ang binigyang-diin ni law professor Attorney Jose Manuel Diokno kaugnay sa mga ulat na pangangalap ng pirma sa ilang lugar sa bansa upang magpatupad ng mga pagbabago sa Saligang Batas. Sa panayam ng programang Veritas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Iwaksi ang poot at paghihiganti, panawagan ng dating pangulo ng CBCP

 40,516 total views

 40,516 total views Hinimok ng dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang publiko na manalangin at iwaksi ang poot at paghihiganti kasunod ng naganap na pagpapasabog sa Mindanao. Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, bilang mga mananampalataya ay ating hingin sa Panginoon ang katatagan ng pananampalataya sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

“Why only now?”-Bishop David

 44,279 total views

 44,279 total views Nagpapasalamat si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa paglaya ni dating Senator Leila De Lima. Ayon kay Bishop David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) isa itong magandang balita lalo’t matagal nang nakakulong ang dating mambabatas sa kabila ng pagbawi ng ilang testigo sa kanilang testimonya laban

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Sa pagsamantalang kalayaan ni De Lima: ‘The injustice is lessen’- Bishop Bacani

 42,394 total views

 42,394 total views Umaasa ang obispo ng simbahan na sa kabila ng mahabang panahon na pagkakapiit dahil sa maling paratang ay makakamit rin ni dating Senator Leila de Lima ang katarungan. Ito ayon kay Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay na rin sa pagpayag ng hukuman na makapagpiyansa si De Lima para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Sa paglaya ni dating Senator Leila de Lima matapos ang pitong taon; Ilang mambabatas, tiniyak ang patuloy na pagsusulong ng ‘human rights at rule of law

 39,974 total views

 39,974 total views Bagama’t umabot ng higit sa dalawang libong araw na pagkakakulong ni dating Senator Leila de Lima, kumpiyansa ang ilang mambabatas sa pagsisimula ng pagkamit ng katarungan mula sa maling paratang ng dating administrasyong Duterte. Ito ayon kina Albay 1st District Representative Edcel Lagman, Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel at House Deputy Minority Leader,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top