Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa paglaya ni dating Senator Leila de Lima matapos ang pitong taon; Ilang mambabatas, tiniyak ang patuloy na pagsusulong ng ‘human rights at rule of law

SHARE THE TRUTH

 40,349 total views

Bagama’t umabot ng higit sa dalawang libong araw na pagkakakulong ni dating Senator Leila de Lima, kumpiyansa ang ilang mambabatas sa pagsisimula ng pagkamit ng katarungan mula sa maling paratang ng dating administrasyong Duterte.

Ito ayon kina Albay 1st District Representative Edcel Lagman, Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel at House Deputy Minority Leader, Basilan Lone District Representative Mujiv Hataman ay kaugnay sa pagpapahintulot ng hukuman na makapagpiyansa si De Lima para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Si de Lima ay pitong taong napiit sa kulungan simula February 2017 dahil sa mga paratang na may kaugnayan sa illegal na droga.

“Although justice delayed is justice denied, justice finally secured is still justice redeemed,” ayon kay Lagman.

Ayon pa kay Lagman, “I also salute her supreme sacrifice and steadfast advocacy for all the victims of injustice and oppression, and also for Filipinos whose freedoms are trampled on by the brokers of power.”

Binigyang pagkilala rin ni Lagman ang naging sakripisyo ng dating mambabatas na makulong ng mahabang panahon upang ipaglaban ang katarungan maging sa iba pang biktima ng kawalang katarungan, paniniil at war against drugs ng nakalipas na administrasyon.

Nawa ayon naman kay Basilan Representative Mujiv Hataman na sa pansamantalang paglaya ni Sen. Leila mula sa pagkakapiit ay magkaroon na ng liwanag ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari upang hindi na maulit lalo na sa mga karaniwang tao.

“Kung nangyari ito sa tulad niyang senador, paano pa kaya sa karaniwang tao?,”ayon kay Hataman.

Dagdag pa ng mambabatas mula sa Mindanao, “Huwag nating kalimutan ang mga prinsipyong dapat nating tinitindigan – katarungan at karapatang pantao. Let us reflect on the importance of upholding human rights and the rule of law.”

Sa panig ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel, hindi dapat matapos sa kaso ni De Lima ang paghahangad ng katarungan kundi maging sa iba pang mga biktima ng pang-aabuso sa kapangyarihan.

Hamon naman ng mambabatas kay Justice Secretary Crispin Remulla ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing pagkakasangkot ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na libo-libong katao ang napaslang sa inilunsad na drug war sa ilalim ng pamamahala ng kanyang administrasyon.

“Clearly, Sen. De Lima’s case should not be the only one reviewed. We laud the court’s decision to allow Sen. De Lima bail and hopefully, this would lead to the fast-tracking of processing of cases of the thousands more who were victims of the War on Drugs. This also reaffirms the need for the ICC to enter the country and investigate Rodrigo Duterte and his officials who implemented the drug war,” ayon kay Manuel.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,141 total views

 34,141 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,271 total views

 45,271 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,632 total views

 70,632 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,020 total views

 81,020 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,871 total views

 101,871 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,713 total views

 5,713 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 1,256 total views

 1,256 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 21,575 total views

 21,575 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top