LLDA, walang political will

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total reads

Problema sa implementasyon sa lokal na sangay ng pamahalaan ang naantalang paglilinis ng Laguna lake.

Ayon kay Msgr. Jerry Bitoon, Ecology Ministry head ng Diocese of San Pablo, Laguna, may ibang interes ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na naging hadlang sa adhikain ng Pangulong Duterte na linisin ang lawa para sa kabuhayan ng mga mangingisda.

“Sa baba [local government], mukhang wala yung masyadong political will, baka sa Malacañang meron pero pagdating na sa baba who should be implementing or who should be doing kung ano man yung dapat gawin ay lagi silang missing link,” pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Msgr. Bitoon na tila nagpakitang gilas lamang ang Laguna Lake Development Authority kay President Duterte nang baklasin ang ilang fish pens at cages sa lawa noong nagsisimula pa lamang ang termino ng Pangulo.

Gayunman umaasa pa rin ang Pari kaisa ang kanyang mga kababayan na muling bibigyang pansin ng Pangulo sa kanyang ikalawang State of the Nation Address ang suliranin ng maliliit na mga mangingisdang umaasa sa lawa ng Laguna.

“We are still hoping na muling pasadahan yan at upang makita ulit natin after a year kung ano nga talagang nangyari na. nandun pa naman yung pag-asa,” dagdag pa ni Msgr. Bitoon.

Sa sukat na 90,000 hektarya, ang Laguna de bay ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, ngunit 20 porsiuyento nito ay ginagamit ng mga pribadong korporasyon at mga indibidwal na negosyanteng nagpapatakbo at namamahala ng malalawak na fish pens.

Matatandaang ipinangako ni Pangulong Duterte sa kanyang unang SONA noong nakaraang taon ang pagbawas sa lugar na sakop ng mga pribadong fishpens sa Laguna de Bay upang mabigyan ng higit na pagkakataon ang mga mangingisdang makinabang sa biyaya ng lawa.

Dahil dito, plano ng Department of Environment and Natural resources – National Anti-Environmental Task at LLDA na malinis ang 13,000 hektarya bago ang ikalawang SONA ni President Rodrigo Duterte ngayong Hulyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,163 total reads

 77,163 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,405 total reads

 155,405 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,852 total reads

 188,852 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,149 total reads

 224,149 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,591 total reads

 447,591 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 38,105 total reads

 38,105 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,991 total reads

 30,991 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top