Isang hamon sa simbahan sa kasalukuyang panahon ang abutin ang mga kabataang mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,293 total reads

Nilinaw ni Fr. Jason Laguerta, Director ng Office for the Promotion of New Evangelization na may malalim na pananampalataya sa Panginoon ang mga kabataan.

“Hindi naman sila walang pananampalataya or spirituality. Ang kabataan malalim ang kanilang paghahanap sa Diyos. Ang tanong lang ay nauunawaan ba ‘yon, naiintindihan ba yung kanilang paghahanap, natutulungan ba natin sila ayon sa kalagayan nila at kahandaan nila?,” ayon kay Fr. Laguerta.

Gayunman, dapat bigyan tuon ng simbahan kung paano sa mga kabataang ito maipararating ang mensahe ng Diyos sa paraan at lengguwaheng kanilang mauunawaan.

“Kumbaga sa pagkain, kung ibinigay kaagad natin yung pagkain ng matatanda at ihain sa mga bata o sanggol baka hindi nila mapakinabangan. So parang ‘yun ang sitwasyon ngayon na marami tayong inihahain pero handa ba yung kakain at kaya na ba niyang tanggapin yung inihahain,” dagdag pa ng pari.

Inihalimbawa rin ni Fr. Laguerta ang ‘short reflection at prayer’ ni Fr. Luciano Felloni sa kanyang FB page na may higit na sa 100 thousand members na isang halimbawa ng pagpapahayag sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at ang Catechism On The Go ni Fr. Jade Licuanan.

Ayon pa kay Fr. Laguerta: “Yun ay pang-abot sa kabataan. Pede tayong nandoon sa social media, hindi lang para maging barkada, kundi magsilbing gabay at liwanag.”

Sa ulat ng infograph.com sa taong 2017, sa buong mundo 31 percent Filipino youth edad 16-24 ang may access sa internet at anim na oras na gumagamit nito, lalo’t 80 porsiyento ang may aktibong social media account.

Binanggit din ni Fr. Laguerta ang pagdalo ng 15 libo na kabataan sa isang ‘concert’ na inorganisa ng Archdiocesan Youth Commission na isang paraan din ng pananabik ng mga kabataan sa Panginoon. “So ibig sabihin naghahanap din sila sa Diyos pero paanong lengwahe at paanong paraan,” ayon pa sa pari.

Ayon kay Pope Francis, lumilikha ng tulay sa pagitan ng tao at ng kanyang komunidad ang isang maayos na pakikipag-usap kung sasamahan ito ng pag-ibig at hindi ng karahasan habang ang social media naman ay isang paraan para sa pagpapahayag ng mabuting balita ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,643 total reads

 53,643 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,107 total reads

 133,107 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,552 total reads

 166,552 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,850 total reads

 201,850 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,234 total reads

 426,234 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,480 total reads

 16,480 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top