250 total views
Ito ang hamon ni CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education Executive Secretary Msgr. Gerardo Santos sa mga miyembro ng Mother Butler Guild sa unang araw ng MBG National Convention.
Ayon sa pari, bukod sa paglilingkod sa loob ng simbahan, kinakailangang higit na paglingkuran ng MBG ang lipunan sa labas ng simbahan na nangangailangan ng pagkalinga at kabanalan ng Panginoon.
Paliwanag pa ni Msgr. Santos, kinakailangang makisangkot ang MBG sa usaping panlipunan upang mapabanal nito ang iba’t-ibang bahagi ng lipunan.
“Not only be engage in the Parish, but i would want you to engage in the vigilance of our country, ang katolikong pinoy engaged in the socio-political, economic, cultural realm because that is the place in which lay people are called to sanctify, pabanalin ang ekonomiya, ang pananalapi, ang kalakalan, pabanalin din ang pulitika , pabanalin din ang kultura ng mga paaralan, pabanalin din ang social media at entertainment world,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Santos sa MBG National Convention.
Dahil dito hinimok ng pari ang mga Mother Butler na maging matapang tulad ng mga Santo at Santa, lumabas ng simbahan upang maglingkod sa mga mahihirap, at makisangkot sa pulitikang layunin ang maghatid ng kabutihan sa taumbayan.
“As lay people as lay Catholics your engagement into the nobility of the social order is the task at hand, mother butler serve the poor but engaged citizenship is the response. More of you not only in the altars, not only on the sanctuaries, not only in the churches but more of you involved in the nobility of politics, not in bad politics of destroying each other’s name but in the nobility of government service because politics is a human endeavor subject to moral principles, be saints, be engaged… be engaged…” dagdag pa ni Msgr. Santos.
Ang Mother Butler Guild ay kinilala nang noo’y si Abp. Rufino Cardinal Santos noong 1961 sa limang parokya ng Archdiocese of Manila. Habang taong 1976, opisyal itong kinilala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines bilang isang National Catholic Organization na binubuo ng mga laykong kababaihan.
Pangunahing mandato ng MBG ang pagtulong sa mga mahihirap, sa mga simbahan a ang pag-alalay sa pagangailangan ng mga pari sa Banal na Misa. Ang mga Mother Butler ang naghahanda ng mga kagamitan, at kasuotan ng mga Pari para sa Banal na Misa.
Bukod dito, sila din ang nagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng mga altar ng simbahan upang mapanatili ang kasagraduhan nito.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 35,000 miyembro ang MBG sa buong Pilipinas, habang umabot naman sa 6,500 ang dumalo sa unang araw ng Mother Butler Guild National Conference na may temang, Live Christ… Share Christ… Love the Poor.