Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isang hamon sa simbahan sa kasalukuyang panahon ang abutin ang mga kabataang mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 526 total views

Nilinaw ni Fr. Jason Laguerta, Director ng Office for the Promotion of New Evangelization na may malalim na pananampalataya sa Panginoon ang mga kabataan.

“Hindi naman sila walang pananampalataya or spirituality. Ang kabataan malalim ang kanilang paghahanap sa Diyos. Ang tanong lang ay nauunawaan ba ‘yon, naiintindihan ba yung kanilang paghahanap, natutulungan ba natin sila ayon sa kalagayan nila at kahandaan nila?,” ayon kay Fr. Laguerta.

Gayunman, dapat bigyan tuon ng simbahan kung paano sa mga kabataang ito maipararating ang mensahe ng Diyos sa paraan at lengguwaheng kanilang mauunawaan.

“Kumbaga sa pagkain, kung ibinigay kaagad natin yung pagkain ng matatanda at ihain sa mga bata o sanggol baka hindi nila mapakinabangan. So parang ‘yun ang sitwasyon ngayon na marami tayong inihahain pero handa ba yung kakain at kaya na ba niyang tanggapin yung inihahain,” dagdag pa ng pari.

Inihalimbawa rin ni Fr. Laguerta ang ‘short reflection at prayer’ ni Fr. Luciano Felloni sa kanyang FB page na may higit na sa 100 thousand members na isang halimbawa ng pagpapahayag sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at ang Catechism On The Go ni Fr. Jade Licuanan.

Ayon pa kay Fr. Laguerta: “Yun ay pang-abot sa kabataan. Pede tayong nandoon sa social media, hindi lang para maging barkada, kundi magsilbing gabay at liwanag.”

Sa ulat ng infograph.com sa taong 2017, sa buong mundo 31 percent Filipino youth edad 16-24 ang may access sa internet at anim na oras na gumagamit nito, lalo’t 80 porsiyento ang may aktibong social media account.

Binanggit din ni Fr. Laguerta ang pagdalo ng 15 libo na kabataan sa isang ‘concert’ na inorganisa ng Archdiocesan Youth Commission na isang paraan din ng pananabik ng mga kabataan sa Panginoon. “So ibig sabihin naghahanap din sila sa Diyos pero paanong lengwahe at paanong paraan,” ayon pa sa pari.

Ayon kay Pope Francis, lumilikha ng tulay sa pagitan ng tao at ng kanyang komunidad ang isang maayos na pakikipag-usap kung sasamahan ito ng pag-ibig at hindi ng karahasan habang ang social media naman ay isang paraan para sa pagpapahayag ng mabuting balita ng Panginoon.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 7,172 total views

 7,172 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,488 total views

 15,488 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 34,220 total views

 34,220 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,726 total views

 50,726 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,990 total views

 51,990 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 28,279 total views

 28,279 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top