Pope Leo, nanawagan sa Santa Iglesia na aktibong makibahagi sa World Mission Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,624 total reads

Nananawagan si Pope Leo XIV sa buong Simbahang Katolika na aktibong makibahagi sa pagdiriwang ng World Mission Sunday at suportahan ang misyon ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa pakikipagpulong sa mga kalahok ng General Assembly ng Pontifical Mission Societies sa Vatican, binigyang-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng pananalangin, sakripisyo, at konkretong pagtulong para sa mga lugar na nagsisimula pa lamang tumanggap ng pananampalatayang Kristiyano at sa mga bagong Simbahan na nangangailangan ng suporta.

Ayon kay Pope Leo, isang mahalagang pagkakataon ang World Mission Sunday upang paalalahanan ang mga mananampalataya na ang misyon ng Simbahan ay hindi lamang para sa mga misyonero kundi pananagutan ng bawat Kristiyano.

“On World Mission Sunday, every Catholic community is invited to pray and offer spiritual and material sacrifices for the missionary efforts in areas of first evangelization and the support of young Churches,” ayon kay Pope Leo.

Ang World Mission Day ay pinasimulan ni Pope Pius XI noong October 1927. Ngayong taon ipagdiriwang ng buong simbahan ang 100-taon sa October 18.

Binigyang-diin din ng Santo Papa na sa loob ng isang siglo, naging daan ang pagdiriwang upang mapalakas ang pagkakaisa ng Simbahan sa pagsusulong ng ebanghelisasyon sa iba’t ibang bansa.

Dagdag pa ni Pope Leo, “For one hundred years, this day has been set apart for prayer, reflection, and contributing to the Church’s mission of evangelization, especially in areas where the proclamation of the Gospel is only just beginning and where the Church is still young.”

Dahil sa mga pondong nalilikom tuwing World Mission Sunday, patuloy na natutulungan ang mahigit isang libong misyong simbahan sa buong mundo sa pagtatayo ng mga pasilidad, pagsasanay ng mga pari at relihiyoso, at pagpapatupad ng iba’t ibang programang pangmisyon.

Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV na ang tema ngayong taon na “One in Christ, United in Mission” ay paanyaya sa mas malalim na pagkakaisa ng mga mananampalataya at mas aktibong pakikibahagi sa misyon ng Simbahan.

Kasabay nito, kinilala ng Santo Papa ang mahalagang ginagampanan ng Pontifical Mission Societies sa pagpapalaganap ng pananampalataya, lalo na sa mga bansang apektado ng digmaan, karahasan, at matinding kahirapan.

Nagpahayag din si Pope Leo ng kagalakan sa nalalapit na beatification ni Venerable Fulton J. Sheen, na kanyang inilarawan bilang huwaran ng makabagong ebanghelisasyon na nakaabot sa milyun-milyong tao sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ng Santo Papa ang mga Katoliko sa buong mundo na patuloy na maging bahagi ng misyong ipalaganap ang pag-ibig, kapayapaan, at pag-asa ni Kristo sa gitna ng mga hamon at pagkakahati-hati sa daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 10,700 total reads

 10,700 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,986 total reads

 238,986 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,452 total reads

 132,452 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,481 total reads

 226,481 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,297 total reads

 270,297 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top