Global Challenges o mga Pandaigdigang Hamon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 422 total views

Kapanalig, ayon sa World Economic Forum (WEF), may limang pangunahing hamon o key challenges ang sandaigdigan ngayon.

Dalawa sa mga hamon na ito ay may kaugnayan sa ekonomiya. Mas kailangan na, kapanalig, na gawing mas masigla ang pagbuhay at pag-angat ng mga ekonomiya ng mga bansa ngayon. Mas lumalawak na ang income disparity o hindi pagkapantay pantay hindi lamang sa ating bansa, kundi sa maraming bansa sa buong mundo. Naging mas mahirap pa ito tugunan ngayon dahil ang “mood’ o political climate sa maraming mga bansa, ayon sa WEF, ay “anti-establishment populism.” Ramdam ito sa ating bansa, kapanalig. Ang karamihan sa ating mga demokratikong institusyon ay tila sinusubukan ngayon, at hindi na kasing lakas o kasing lawig ang suporta sa mga ito. Ang pangalawang hamon: kailangan na nating suriin ang merkado at lipunan. Gaano ba tayo naging “inclusive” bilang isang bansa?
Kaugnay ng pagsusuri na ito ang ang susunod na hamon sa ating daigdig: ang identity at community, o pagkakilanlan at komunidad. Sa buong mundo kapanalig, nagbabago ang mga pananaw at ugali mula sa indibidwal na lebel hanggang sa malawakang lipunan. Ang ating mga depinisyon ng kasarian, lahi, kulay, relihiyon, pati politika ay nagbabago. Marami na ang nalilito. Nagkakaroon, ayon sa WEF, ng “cultural schisms.” Mas lalo tayong kumakalas sa isa’t-isa kapanalig, sa halip na maghawak kamay at sabay sabay iangat ang buhay ng kapwa.

Sa gitna ng pagbabago na ito, ang teknolohiya ay nagdadala rin ng mga bagong inobasyon na bumabago rin ng ating buhay. Ito ang pangatlong hamon. Paano ba natin mapapamalakaya at magagamit ang teknolohiya upang payabungin ang buhay ng tao? Sa ngayon, ang kapangyarihan ng teknolohiya ay tila parehong regalo at sumpa. Ang mga global-wide virus at ransomware attacks, ang hacking, at iba pa, ay malaki ang banta sa buhay at kabuhayan ng tao. Kaya nitong sirain ang ilang taon ng pagsasa-ayos ng mga procedures at sistema ng mga organisasyon at ahensya. May kontrol rin ang teknolohiya sa takbo ng pera.
Ang mga isyung pangkalikasan ay isa rin sa mga pangunahing hamon ng maraming mga bansa ngayon. Handa ba tayo, kapanaig, sa climate change? Kaya ba nating harapin ang mga pagbabagong dala nito sa ating weather patterns? Maliban sa climate change, kamusta na ang ating karagatan, ang hangin, at ang lupa? Tatagal pa ba sila ng maraming panahon, o matatabunan na lamang sila ng ating mga basura?
Ang global na kooperasyon ay panglima sa mga hamon na hinaharap ng mga bansa ngayon. Nagkakaisa pa ba ang mga bansa ng mundo? May mga pamantayan ba tayong sinusundan at nirerespeto na gumagabay sa ating pakikisalamuha at pakikipag-ugnay sa isa’t isa?

Kapanalig, ayon nga sa Laudato Si, tayo ay isang pamilya, at iisa ang ating tahanan. Ang lahat ng hamon na ito ay hamon sa atin bilang isang pamilya. Sa gitna ng lahat ng pagbabago at ng mga problema, magsasama sama nawa tayo. Iisa lamang ang ating mundo. Magkakaiba man tayo, iisa lamang ang ating pamilya. Nawa’y tayo’y magkaisa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 103,434 total views

 103,434 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 126,593 total views

 126,593 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 147,867 total views

 147,867 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 309,650 total views

 309,650 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

International Wellness Day

 103,436 total views

 103,436 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 126,595 total views

 126,595 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 147,869 total views

 147,869 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »
Scroll to Top