Mga ahensiya ng pamahalaan, babawasan ng pondo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total reads

Bunsod ito ng pagpapatupad ng ‘Free Tuition Fee sa Higher Education’ o libreng tuition fee sa lahat ng State Universities and Colleges.

Ayon kay 1st district Davao Representative Karlo Nograles, chairman ng House Committee on Appropriations, naisumite na ng Malacanang ang proposed budget para sa susunod na taon at kasaluyang nasa deliveration ng Mababang Kapulungan at Senado.

Sa General Appropriations Acts of 2018, sinabi ni Nograles na hindi pa dito sakop ang pondo sa libreng matrikula para sa kolehiyo.

“We cannot go over and beyond na isinumite ng proposed budget ng executive, ang puwede lang naming gawin ay gumawa ng supplemental budget na nakadepende sa savings ng gobyerno. Malalaman natin kung may savings ang gobyerno sa ikatlong bahagi ng taon,” ayon kay Nograles.

Aminado si Nograles na hamon ngayon sa Kongreso kung saan kukunin ang pondo sa libreng tuition fee.

“Ang challenge ngayon sa Kamara ay hanapan ng pondo itong pagpapatupad ng batas on free higher education. Ang mangyayari nito, may ahensya at departamento ng gobyerno na mababawasan sa kanilang proposed budget para mapondohan ang ang free higher education na P16 B. Ang tanong po sino ang mga departamento, ahensya ang mababawasan ng kanilang proposed budget.”pahayag ni Nograles

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), nangangailangan ang pamahalaan ng karagdagang 16 na bilyong piso para pondohan ang bagong batas.

Ang proposed national budget ng 2018 ay higit sa P3.77-trilyong piso kung saan P691 bilyon ay para sa education sector kabilang na ang P13.5-bilyong pisong pondo sa CHED, at P64.6-B sa mga state colleges and universities.

Una na ring inihayag ni Pope Francis ang kahalagahan ng edukasyon at ng institusyon bilang tagapaghubog ng kaalaman at pagpapakatao ng bawat kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,766 total reads

 75,766 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,064 total reads

 154,064 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,511 total reads

 187,511 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,808 total reads

 222,808 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,294 total reads

 446,294 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top