178 total views
Ito ang hamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo,chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity sa lahat ng mamamayang Filipino na gumagamit ng online world of computers at cellphones.
Ginawa ng Obispo ang panawagan sa pagpapatuloy ng inisyatibo ng CBCP-ECL na “online prayer meeting” o ang sama-samang pagdarasal online.
Inihayag ni Bisop Pabillo na ang pagsasagawa ng online prayer meeting ay isang bagong pamamaraan upang makapagsama-sama ang lahat ng mga mananampalataya saan mang panig ng muna para manalangin sa pamamagitan ng internet at ng social media.
Ibinahagi ni Bishop Pabillo ang pagpapatuloy ng online prayer meeting isang beses sa isang buwan.
“So maganda po yung karanasan namin sa pagkakaroon ng online prayer meeting kasi marami ang sumali, simula pa lang ngunit marami na ang sumali na sama-samang nagdarasal kaya ito po ay isang bagong pamamaraan din na gamitin ang venue ng cyber space upang sama tayong magdasal at naabot po natin sa iba’t ibang mga lugar, nagkakaisa tayo sa panalangin kaya balak po naming ipagpapatuloy ito atleast once a month na magkaroon tayo ng prayer meeting” pahayag ni Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.
Unang isinagawa ang online prayer meeting noong ika-27 ng Hulyo taong kasalukuyan kung saan pinangunahan ni Bishop Pabillo ang isang oras na pagdarasal sa temang “Peace in Our Country, Peace in Our Homes, Our Relationships and Ourselves” at natunghayan sa pamamagitan ng Veritas846.ph Facebook page ganap na alas-dose ng tanghali.
Kaugnay nito, sa pagtatapos ng buwan ay inaasahan naman ang muling pagsasagawa ng Online Prayer Meeting kung saan inaasahan namang tatalakayin ang Season of Creation at pangangalaga sa kalikasan.
Samantala batay sa pag-aaral ng Asia Digital Marketing Association (ADMA) noong 2015, ang Pilipinas ay ikalawa sa pinakamaraming gumagamit ng internet sa buong South East Asia na may 44.2 million o 94-porsiyento ang may social media accounts.(Reyn Letran)